CHIE's addiction
i saw
chie's blogs last night and she said she's getting hooked with
football again. kaninang umaga, palabas sa
espn yung
madrid vs. barcelona. di naman ako nanunuod ng football except pag magkakasama kami ni
bestfriend jep dahil dati syang
team captain (o ha!) ng
mapua football team. kaya imbes na mag-away-away kami kung anong panonoorin sa cable, pinagbibigyan na lang namin sya para ipaalala sa kanyang di na nya kayang tumakbo gaya ng dati, hehehe...
so tinext ko kay chie. sabi nya nasa southmall daw sya, hihintayin na lang nya mamaya sa
wowow yung game.
at mababadtrip na naman sya sa mga lecheng japanese commentators, hehehe. sabi din nya, itext ko daw sa kanya kung sino mananalo. ngek, itong si chie, ayaw ma-thrill. syempre di ko sasabihin sayong nanalo ang...ano...saka may isang nakakatawang pangyayari....saka muntik ng magsapakan sina..... at ang gwapo ni
casillas. panget nga lang pangalan :D
F*CK'D UP PUNK'D
on my bus ride home from
dennis' place last night, the tv was tuned to channel 2. on was a copied show from
mtv's punk'd which has
ashton kutcher as host. the channel 2 show was titled
victim. kasi kung na play time ka, victim ka. duh. the host of the local punk'd was
CA. di ko maatim na buuin ang pangalan nya sa blogs ko dahil sobrang asar talaga ko sa kanya. yaaaaaaaaak. (yes, chie, with jologs accent!)
ewan ko ha. naniniwala naman ako sa kakayahan ng mga pinoys to come up with original shows. maaaring kopya pero di naman sagad sa butong plakado noh.
punyetang victim yan, pati yung paggamit ng hidden mics ni ashton at pagtago sa likod ng kung anik-anik para magdikta ng sasabihin sa mga accomplice ginaya! leche talaga. tapos itong kumag na host,
pati yung unshaven-just-got-out-of-bed look ni ashton ginaya nya! leche talaga! ano bang klaseng tao yan... sana natulog na lang ako sa bus ride ko kaso pano ka matutulog kung yung mga kasakay mong jologs eh tuwang-tuwa sa idol nila. grabe. im so pissed gusto ko syang sapakin kung pwede lang. grrrrrrrrrrrrr!
hay, mukhang tanggal na naman ako sa purgatory...
WHY MYXMO SUCKED
the opinions expressed by the author are not necessarily those of everyone who attended the concert. syempre. one and a half bands into the concert and we left. the myx channel sponsored gig was way too unorganized for me.
unang-una, they said the show starts at 7.
des and went to luneta at a little past eight the event has not even started. filipino time?
not. throngs of people, and i mean huge crowds of punks-not-dead, students, rockers, families (pati bebes included), taong grasas, ramping gays, of all age and sizes littered the front of the luneta grandstand. why the myx people opted to put up a stage instead of just using the grandstand, i have no idea.
merong cordoned area sa harap ng stage na sinet up ng myx. and when i say cordoned, yun lang talaga, walang walls kahit lawanit man lang. tapos the queue of people trying to get in was so long, the fact pati na punong-puno na yung area where they wanna get in to. ewan ko lang kung magkasya lahat ng taong nakapila dun sa tinalian nilang area.
anyways, nag stay na lang kami sa side lines ni des. with the different types of people there, di mo rin alam kung anong klaseng gulo mangyayari...
imagine, may naka mohawk! hay, punks not dead talaga...we thought di bale nang malayo basta marinig lang namin yung bands.
des came for parokya and i for imago. tagal ko ng like tong band na to pero hanggang ngayon di ko pa rin napapanood ng live.
so we stood on the sidelines and waited....and waited...and waited....and, des, start na ba? parokya yun! bat wala akong marinig?
naykupow, ang parokya bumubulong! ampanget nung sounds! even the big screen was not malinaw!!!
siguro dahil i am still awestruck with the recently concluded
mtv aids summit. at ang kalidad nung event, wala akong masabi talaga. sobrang astig yung sounds, pati yung mga widescreens strategically placed para you won't have to go near the stage para ma enjoy yung tugtugan. tapos eto? ganyan?
why, myx is always bragging na world class ang kanilang music channel tas ganito? wala ni katiting na sinabi sa mtv. sorry ha. alam kong masyado akong critiquing pero, wala eh.
malamang balik na talaga ko 8th level....
so after
parokya, tas sinabayan ni
francis m, umalis na kami ni des. buti na lang parokya at francis m agad. kahit papano, okay na rin.
watch na lang kami ng mga cute na skateboarders sa estatwa ng kalabaw :)
isa pa pala... yung mga vj ng myx? ampanget ng boses. di ko maintidihan kung bat nakuha silang vj.