Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Monday, August 21, 2006

paper clay


kakaaliw ito! sana makabili ako ng mas malaking pattern para mas matagal gawin! asteg.

Friday, August 18, 2006

lucy's cube




ang pinakamabisang pantanggal ng pagod...=)


Thursday, August 17, 2006

buffy, the guppy slayer


halu! kahapon ko pa gustong magpost pero si lucy ay naglalambing, gustong magpakarga. syempre karga naman ang mommy, ayoko din naman palampasin ang ganung pagkakataon. ienjoy ko na kumbaga, ilang taon lang eh baka ni hawak sa kamay ayaw na nya at baka kantyawan sya ng mga dabarkads nya. hasus.

ayan, borlogz sya sa kanyang spaceship kasama ng kanyang garden...



buffy, the guppy slayer

ipinamana ng aking inlaws ang kanilang aquarium. nagsawa na sa peesh kaya ayaw na mag-aquarium. kamtuteenkopeet, ipinamigay na rin nila si lennox kasi nagsawa na rin sila... huwaaaaah!

last week namin kinuha ni fafaden ang maharlikang aquarium. da tank. kasama ang tungtungan at overhead filter. gooood. lamang loob na lang ang kailangan, or should i say, lamang dagat na hindi maalat. fresh water.

nag-aquarium na rin ako noong araw. noong araw naman! =) at ang peborit kong isda ay yung maliliit. tetra, guppies, baby cichlids. ayoko ng peesh na malaki. kasi nakakalungkot pag nadeads, halatang-halata. at least yung maliliit di mo napapansin na deads na pala. unless maisipan mong magbilang...

sa paco kami nakabili ng isda. saka pump na din, saka air stone. sa aleng medyo may kasungitan pero okay naman nung huli. 10 guppies (P20 each! noong araw eh P5 lang!) at 3 goldpeesh na local daw. pagkain ng arowana ata yun... para lang may mapanood si lucy, masyado kasing maliit ang guppies, baka di nya makita. pumitas ako ng konting dahon sa aking garden at voila! da tank is alayb!

mula 10 guppies, unti-unti silang nabawasan. kako ganyan talaga pag nagsisimula, baka di nakapag acclimate agad sa tubig. kaso nung pati yung dalawang goldpeesh na local ay deads din, isa lang ang tiyak...



meet, buffy, the guppy slayer.

Tuesday, August 08, 2006

hello, deon!


welcome, welcome to the world!
DEON GABRIEL G. ABILLE
born august 4, 2006

congrats, deo and shiz!!!