Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Thursday, May 05, 2005

move out.

mabuhay! welkam back sa akin kasi antagal kong tinamad mag-blog. pero i'm back now kaya welkam back ulet.

ano na nga ba ang mga kaganapan sa aking buhay habang ako ay tinatamad magsulat, magpost, kumuha ng pictures at i-post sa aking blog? let's see...

naka-leave pa rin ako from work dahil hindi pa tapos ang aking two-month maternity leave. balik ako sa office officially on may 15 pero nag-extend ako kaya sa may 18 na lang. uwi kasi kami sa pangasinan the weekend before i go back to work kaya nag-extend ako. pero saka na ang kwento nyan...

aalis na nga pala kami sa aming inuupahang bahay. naisip kasi namin ni fafaden na sayang lang yung binabayad namin sa rent dahil hindi naman kami dun palaging nauwi, weekends lang. kung minsan hindi pa nga talaga dahil sa mga inlaws ko kami nauwi. in short, yung rent na binabayaran namin ay parang storage fee para sa aming mga gamit.

dagdag pa dito ang napakalaki naming bill sa kuryente kahit hindi naman namin ito masyadong nagagamit (dahil nga weekends lang kami dun). yung huling bill na chinarge sa min: P912. isang maliit na ref at ilaw sa gabi lang. hay, ayoko na lang magreklamo kaya aalis na lang kami.

meantime, andito ko sa aking inlaws. pagbalik ko sa work, dun ako sa paco kina nanay tas weekends dito kami ni fafaden. nakakapagod pero okay na rin. pag uwian na si fafaden or whatever, eh saka na lang siguro kami ulit uupa... o kaya bibili na kami ng sariling bahay..


naks.

ay, may bagong cellphone nga pala ko.

naks.