Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Friday, April 30, 2004

EXHIBIT OF THE DEAD

natuloy ang praktis namin kagabi. ang saya nga kasi naka-join sa min si maestro leslie aka dreamboiastig, ang kanyang alter ego. ang kulet ni leslie. di ko inakalang ang isang respetadong pintor eh ganun ka-lokaret, hehe. ang saya-saya-saya nya kasama.

nauna na kami ni chie, tich, at odet sa ccp. nao-oc pa si des kakalinis ng feenk fad nya kaya iniwan na namin. sa text ni leslie, andun na daw si malen. pinuntahan namin yung isang photo exhibit sa ccp. rest in peace ang title. hindi kagulat-gulat na tungkol ito sa mga deads na. fatei. yung artist/photographer me obsession ata sa mga deads. kinukunan nya ng pictures ang mga patay during the last rites bago ipasok sa kanilang huling hantungan. close up ha. sabi ni leslie, taga laloma daw kasi, malapit sa north cemetery. ayun. kada may libing, go sya at shoot ng kanyang subject.

dinah: nagpapaalam ba naman sya bago sya kumuha?
les: siguro naman.

actually, di ko tiningnan yung mga pics. nakakakilabot eh. kaya mo bang tingnan ng sabay-sabay ang sandamukal na patay? ang lakas ng sikmura mo teng. di ko kaya yun. duwag ako dyan. buti na lang nakatakip ng drawing/tracing paper yung mga poster sized pics. kita mo pa rin pero di ganun kalinaw. kung matapang ka talaga, iaangat mo yung tracing paper para makita mo ang death at its finest. neng, kaw na lang.

meron pang mga lapida na nakakabit sa dingding. sabi ni ulet leslie na nag-pose as our exhibit tour guide, ito daw yung mga lapida ng mga deads na nililipat na sa ibang lugar. actual lapidas yun ng mga deads. sheesh.

tyempo naman na mag-isa lang ako habang binabasa ko yung mga lapida at lumapit ang isang gerlash na may dalang videocam. si rica yun, isa ring artist at friend ng friend kong si mamu. super pan sya from the wall to me. shet, ilayo mo sa kin yan!!! kaso mo, imbes na lumayo ang lola mo sa kin, linapit pa nya sa mukha ko yung videocam sabay interbyu.

rica the camera gurl: what can you say about the artist?
dinah the necrophobic: ahh, antapang nya!


ahhh medyo blard, hehe. l-r: leslie (dreamboiastig), chie, (camerawhore), moi (eebeel goddess), odet (the magnificent gitarista), tich (okay ka lang, tich?) at marc (tulala).

after a few more minutes, matapos din ang ilang mga drama ng mga senglot na andun dahil free for all ang toma, may mga pumasok pa sa kabaong at nagpa-picture. (tama na, ano ba!) eh lumayas na rin kami. di na daw susunod si des at hihintayin na lang nya kami sa feek fad nya. so go na kami palabas ng ccp, nag-fx pabalik in two batches, tich, odet and me tas chie, malen and leslie. dumaan sila sa chowking to grab some food for des tas touchdown sa feenk fad.

creepy exhibit. cool, i guess, but it really freaked me out.

Thursday, April 29, 2004

PELONNOR FIELDS AT ANG BLACK GATE OF MORDOR

i am reading The Return of the King. hiniram ko kay des, na hiniram nya sa museo at hindi pa sya tapos basahin. mukha naman kasing next millenium pa nya balak tapusin kaya pinahiram nya muna sa kin. kakatapos lang ng Battle of the Pelennor Fields, papunta na sila sa Black Gates of Mordor at gegerahin na nila Aragorn head to head, este, head to eye pala, si Sauron, dahil sya nga pala ay isa lamang nagliliyab na mata...

naalala ko tuloy yung narinig ko dati. may humirit ng ganito...

...let me take you down 'cause i'm going to pelennor fields..pelennor fields forever...

saka

black gates singing in the dead of night...

aliw no?

namiss ko tuloy si dennis. peborit kasi namin yung rendition ni sarah mclachlan ng blackbird ng beatles. syempre all time peborit namin ang mga awit ng beatles...

blackbird
the beatles/sarah mclachlan



Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise.

Blackbird singing in the dead of night
Take these sunken eyes and learn to see
All your life
You were only waiting for this moment to be free

Blackbird fly
Blackbird fly
Into the light of a dark black night
(2x)

Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise
You were only waiting for this moment to arise
You were only waiting for this moment to arise.

--------

speaking of the beatles... magkakaron kaya ng concert mamaya sa feenk fad ni des? hehehe! wish me luck! hahanapin ko kung san tinago ni des yung beatles songhits! simula kasi nung six na ng umaga kami nakatulog dahil sa paggigitara ko (at pagkanta nila ha!) ng mga beatles songs eh tinago na ni des ang kanyang mga songhits. eh lost ako maggitara pag walang songhits so yun, di na naulet muli! hehehe!

meron kasi kaming vodka night mamaya. praktis ito para sa challenge ni teacher leslie! humanda ka teacher les! lucban, here we come again! hehehe, jok lang. actually, gusto lang namin magsaya sa madaming dahilan:

1. maganda ang resulta ng mga lab tests ng mom ni chie! yehey, tita d! tuloy-tuloy na yan! cheers!

2. mayo na bukas. isang buwan na lang at babalik na si dennis! june 10 pa actually pero next month pa rin yun! yehey! cheers!

3. des is back and thrashing! heheh! yep, ang ating peborit purplegirl is back in circulation! yahi! sa susunod na madedepress ka des eh sabihin mo sa min. dadaanin natin yan sa praktis! hehehe! cheers!

4. dadating na bukas si daisy, ang aking bunsong kapatid! syempre may pasalubong na naman! sabi nya may pasalubong syang palda. hay, talaga namang gusto nyang panindigan ang paggiging bading ko...cheers!

5. daisy (ulet) will be signing back on to her ship. yep, back to work na sya ulet abroad! di na sya maghihintay ng matagal para makapag-trabaho ulet gaya nung nakaraang uwi nya! cheers!

joskopolord. alam ko minsan nakakalimot akong magpasalamat sayo para sa mga magagandang blessings na binibigay mo sa kin. pasenya ka na po. tao lang! hehe! ahlabshu jessie. tara, inom tayo! :D


Wednesday, April 28, 2004

AM I EEBEEL??

lately, ito ang laging tanong ko sa sarili ko. eebeel ba talaga ko? inalam ko sa isang test na naka post sa blogs ni peej...

I am 25% evil.




I try to stay away from evil deeds but succumb to temptation every once in a while. I'm not quite on my way to hell but I certainly have some explaining to do.



Are you evil? find out at Hilowitz.com


ang cute naman. di pa daw ako pupuntang impyerno pero malapit na, hehe. parang ganun ang dating eh.

ayan, masaya na siguro si teach. malamang kasi 100% sya. second to none daw sya eh. hehehe.

ETO PA

eh lubos-lubusin na natin... pang-apat na take ko na ito. nung una, level 8 ako, tas nag-purgatory, tas nag-level 6 ata. ngayon i'm back where i started. LEVEL 8. sheesh.

The Dante's Inferno Test has banished you to the Eigth Level of Hell - the Malebolge!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)Moderate
Level 2 (Lustful)Moderate
Level 3 (Gluttonous)High
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Moderate
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Moderate
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)High
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low

Take the Dante's Divine Comedy Inferno Test

--------

namfotah. confusing ang level ng ka-eebeel-an ko ah.


Monday, April 26, 2004

OF GOOD AND EEBEEL

ZE GOOD STUFF

ang saya ng camp sa museo last weekend! for the first time, ngayon lang ako naka-attend ng camp doon na alam ko ang puno't dulo. alam ko ang gagawin ko at alam ko kung bakit ko gagawin yun. ang galing! ang saya ng activities! ako kasi ang lead facilitator, hehehe. angas ko no.

pero hindi nga. kahit after nung camp, napag-usapan namin na ito nga ang pinaka-okay na camp to date (nakakatatlo na ang museo). hindi nangapa ang mga tao, even the volunteers knew what they had to do. the kids were happy, competitive, enthusiastic but not very tired or puyat. o ha, mesa na inaangat ko...

ang idea, parang survivor kunwari. we even have scarves gaya nung sa survivor, pero syempre, sorbetes cart ang logo, hehe. isa sa pinaka-aliw na activites para sa kin ay yung ginawa nila curt at emer sa kalikasan room. sabi nung mga bata, yun din daw ang peborit nila. they discussed the environment, endangered animal, and stuff tas after the discussion, nag-endangered animal hunting sila. ang saya kasi the kids had to look for envelopes hidden all over the kalikasan room, answer the riddle inside, do the task then proceed to the next clue. parang ganito:

riddle: tipong kalabaw pero hindi, sa mindoro namamalagi (tamaraw)
clue: sa ilalim ng ikatlong pating makikita ang susunod na clue.

ang saya di ba?

mukhang kailangan pa nating pasayahin ng konti yung campfire. inaamin ko, tinatamad na talaga nung time na yun. pero okay naman eh, di ba kuya curt? hehehe!

congrats, o! successful ang iyong first camp bilang mp club coordinator!


taken by the camerawhore while we were fooling around the body works room. look! i'm wearing the scarf!

ZE EEBEEL FUHSEELEETEYTUR

merong kaming mga volunteer na jumoin. tatlo sila, hatak sila nung dating guide ng museo who was also volunteering that night. di ko alam kung alam nila talaga ang ibig sabihin ng volunteer, they came in their office atire, long sleeves and all. dalawang guys at isang girl. mag syota ata yung girl-boy. ah, camping po ito, hindi oratorical contest.

pagdating nila, parang sina-size up nila yung mga tao, oo, kaming makakasama nila. syempre tumaas ang kilay ko. kumulo ang dugo ko. tumingin ako kay chie, humaba ang sungay ko. ahh ano ba ine-expect mong makikita sa camping? coat and tie?

si chie kasi eh, naka summer/pambaha/pambahay wear. complete with bakya.

sige na nga, dahil pwede ko kayong utus-utusan ngayon, size us up all you want. nung briefing na, hindi ko makita yung name tag na nakadikit sa dibdib nila, naka harap kasi si boy dun sa girl. leche, mukhang excuse lang tong camp para magkasama sila ah. nung bigayan na ng assignment, kailangan kong i-address sila by name so tinanong ko yung boy: ah, ano name mo? nagtinginan sila nung girl. hello! kailangan bang ihingi ng permiso sa isa't isa ang pagsabi ng inyong pangalan? ang pagtanong ko ng pangalan mo ay hindi para sa aking kapakanan noh! may-asawa na po ako. at ayoko sayo, pormal ka masyado.

ang assignment nila: maging yaya ng mga kids, yep, kailangan samahan nila yung mga bata all throughout the camp, sa lahat ng challenges lalo na. one tribe, one volunteer. saya di ba? yaya ng mga spoiled brats. kaso mali ako. it turned out na masaya nga yung naging task nila. as most of the participants were really good kids.

ang instructions sa volunteers, yung mga bata ang gagawa ng mga tasks. and i mean lahat ng tasks. kaso itong si gurl volunteer, feeling super yaya. palibhasa, some kids were english spokening, chicka to death din sya at feeling super mom dun sa hawak nyang tribe. hay nako, ewan ko ba, mainit talaga dugo ko sa kanya. nung isang task, sya pa ang nagsulat ng answers nung mga bata sa isang challenge. ano ba! sabing yung mga kids ang gagawa ng lahat ng tasks eh!

nung patulog na yung mga kids, inutusan nya pa ko ha:

gurl: uy, (singsong voice pramis) paki tingnan naman sila _____ and _____.
dinah: why? (muntik na tumaas kilay ko in her face)
gurl: kasi nag-aaway sila eh. ayaw patabihin ni _____ si ______.
dinah: (deadma. looks at the gurl and walks away)

ang sama ko no?

by the way, hindi lang ako ang naging eebeel nun. meron din akong kasamang iba.

pedophiliac camerawhore: o tatalon kayo after the count for the picture ha.
camper: ay corny na.
eebeel camp director: so?!
eebeel fuhseeleeteytur: ay wala palang film!
camper: so stupid.
eebeel mobile mistress: so?!

bwahahahahaha!


Friday, April 23, 2004

MOSHI-MOSHI

dennis called two nights ago. sabi nya dami beses na daw sya kumukontak at ring lang daw ng ring ang fone ko. huh? eh when my phone rang, sinagot ko naman agad. akala ko pa nga si daisy yun, calling from malaysia dahil walang number na nagregister. anyways, that was the same thing he told me when i was in lucban when he called...

it was funny. nung hinihintay ko yung tawag nya, parang andami-dami kong kailangang sabihin sa kanya, andami kong gustong ikwento. na umalis na ulit si daisy, na bumalik na sa vietnam ang papa nya, na nasa ospital si nanay cheding, na meron ulet camp sa museo at aattend ako, na meron syang bagong friendster at yun ang ang kanyang dating niligawan (syempre may tonong pang-aaway dapat pag sinabi ko yun, hehehe). pero nung tumawag nga sya wednesday night, wala akong nasabi kundi kumusta? mag-iingat ka palagi dyan ha? i love you den, miss na miss na kita. as in. no joke. actually, nagtitipid sya sa fone card. nung chineck ko nga yung call duration 4:37 yung usapan namin. i realized (after the call), that was enough time to tell him all that was written above kaso wala. hindi ko nasabi. even when he said hindi na sya makakatawag sa papa nya, meaning sa las pinas, dahil ang hirap kumontak, hindi ko rin nasabi na nakabalik na si papa ben sa vietnam. tumbling talaga ang lola mo.

alam ko, overwhelmed ako talaga. narinig ko pa lang yung: hello, den! nya eh nataranta na ko. sabi nga ni deo: e di umiyak ka? di naman, nag ala-bowling ball lang ang puso ko, tas umangat sa throat, na-stuck. wala tuloy akong nasabi. but even so, i think i was able to say the most important things anyway. yun naman ang pinaka mahalaga sa kin. yung sabihin ko sa kanyang: kumusta? mag-iingat ka palagi dyan ha? i love you den, miss na miss na kita, at marinig ko rin mula sa kanya ang mga salitang yun. solb na ko.

well, he can always know the above-written things from reading my blogs, right?

NANAY CHEDING, MY PEBORIT LOLA

kahapon, maaga akong umalis sa opis, binisita ko si nanay cheding sa ospital. yep, my nanay's nanay is in the hospital. nanay cheding is my peborit lola, well, sya na lang ang lola ko actually. my super lola na kahit may alzheimer na eh nakakarecognize pa rin ng value ng pera. tuwing pupunta ko sa bahay nya, makikita ko syang nakaupo sa kanyang wheelchair sa may gate ng bahay nya. bago ka makadaan sa gate, hindi pwedeng hindi ka magbabayad ng toll fee, usually P20. at sya ang toll fee collector! kailangan mo syang bigyan ng pera (toll fee) dahil di nya yun makakalimutan kung hindi ka nagbayad. sa susunod na babalik ka, maasim pa sa sukang iloko ang mukha nyang ihaharap sayo. at mag mu-murmur sya ng kung anu-anong unintelligible words para sabihin sayong galit sya dahil di ka nagbayad ng toll. siguro yun ang dream job nya nung bata-bata pa sya: maging toll fee collector.

nung isang araw, di na naman sya makahinga ng mabuti, di na umubra yung nebulizer nya. she has COPD, ayon sa chart nya sa kanyang hospital bed (ahh, chronic _____ pulmonary disoder) - emphysema. sa side ng pamilya ni nanay ko namana ang kahinaan ng aking baga, na pinalala ko rin ng paminsang-minsang yosi. pero pramis, minsanan lang naman yun. anyways, pagdating ko sa ospital (Ospital ng Maynila kung saan residente ang aking pnsan na si doc jane kaya dun sya dinala) andun pa si nanay, sya kasi ang nakatokang magbantay kahapon, at ang aking dalawang pinsan na sina richie at jona, ate ni doc jane. habang chinecheck ko yung chart ni nanay cheding kahapon nakita ko yung age nya: 87. wow, 87! ako kaya, aabot ng ganito katanda?


my cousin doc jane and my peborit lola, nanay cheding dun sa ospital

this year, in september, 88 na sya. naalala ko tuloy yung every year na sine-celebrate namin ang birthday nya, nung mga panahong wala pa syang alzheimer. nung nag-83 sya halimbawa, ang sabi nya, 82 pa lang daw sya, kasi daw last year eh 81 lang sya. nung sumunod na taon (84), sabi nya 83 lang daw sya, dahil last year daw eh 82 lang sya. i think nangyari ito hangang 85 na sya. kaya tuloy yung mga cake candles nya, lagi naming tinatabi, para pagsinabi nyang 82 or 83 sya instead of one year older, naka-ready na yung pamalit naming kandila, the ones purchased the year before. nung nagka-alzheimer na sya, hindi na nya kami inaaway sa edad nya. ang alam ko lang, excited sya palagi pag birthday na nya. excited na sya makita lang yung mga lobo na naka-decorate saka yung cake na may kandila sa mesa. so nung nakita ko dun sa chart na: 87 years old, di ko maipaliwanag yung naramdaman ko. natuwa ako dahil at 87 eh buhay pa sya, kasama nya pa ang pamilya nya, pero nalungkot din ako kasi antagal na rin pa la nyang ulyanin, alam pa kaya nya ang mga nangyayari sa kanya?

bago kami umalis sa ospital, umiiyak sya, gusto na daw nyang umuwi. sabi namin, bukas na nag umaga ang uwi nya, kasi bawal na sya lumabas ng opsital. inaaway na nga sya ni richie, sabi ni richie: ako ang duktor, bukas ka na uuwi, hehe. pero umiyak pa rin si nanay cheding. kaka-touch ng puso, parang gusto ko syang iuwi para hindi na sya umiyak, kaso hindi pwede. parang gusto ko ring umiyak kasi nakakaiyak. pero symepre ulet, hindi ako umiyak, ni nagpakitang nangingilid na ang aking mga tearlalush. ayoko nga, makikita ng aking mga pinsan na ako ay pusong mamon.

joskopolord, pagaanin mo po ang pakiramdam ng aking peborit lola. sana po ay lagi mo syang bigyan ng ikasasaya ng puso nya, pero wag naman sobra at baka atakihin, hehe. saka joskopolord, sabihin mo po sa mga nakapaligid sa kanya na hindi na alam ni nanay cheding ang ginagawa nya kaya po intindihin na lang sya. sabihin mo po sa kanila, do unto your lola want you want your apo to do unto you. okay, lord? tenchupo!

Wednesday, April 21, 2004

petiks

aga umuwi ni mam, may date ata sila ni ser. piyesta!!!! wahahahaha.

pero kanina pa ko dito sa harap ng pongkyuter at wala pa rin akong nagagawang katorya-torya. ay ayan, biglang nag-online si chie after ko sha text. poocha, mukhang wala ring ginagawa ah. ayan, chinichismis nya sa kin ngayon yung visit ni pia arcangel sa museo. at mukha daw atang krash ni fafa curt si pia! hahaha! in front of mama lisa! heheheh!!!!

teka ym muna kami at doodle na rin. la talagang magawa...

Tuesday, April 20, 2004

SABADOOOO...

ang atub-atub tribe ng dinagyang festival

ang atub-atub tribe ay ang pinakamagaling na performer sa dinagyang festival ng iloilo. napanood ko sila last saturday dahil dumaan yung parade ng aliwan fiesta sa harap ng museo kung nasan ako nun dahil tumulong ako sa workshops ni des. ang aliwan fiesta ay project ata ni meyor, it featured different performances from festivities from all over the philippines. ang galing! sabi ni mamu, tubong iloilo, magaling daw talaga ang atub-atub, palagi silang nananalo sa dinagyang festival. eh, asteeg naman talaga yung performance nila! after quite a few tribe na dumaan at na-witnees namin ang performance, stand out talaga sila. nung una, medyo iskeri yung dating dahil iskeri yung costume, pero after their performance, napanganga talaga ko. see their pic here.

alda's plate-napper

after the parade, and all other else we had to do in museo, we went to have dinner at alda's. as usual, islowmow pa rin ang service pero as usual din, wapak sa sarap pa rin ang food. after dinner, some devils lurking around the area inserted a plate in my bag pocket while i went to the washroom. epekto ba ito ng masarap na pagkain o ng masarap na kape? ha? ha? ha? pagbalik ko sa table, nagkokodakan si des at chie, sumama ko syempre! malay ko naman kasing picture taking yun ng mga plate-nappers? kaya pala halos gumulong na si chie kakatawa. hmp.

the plate and the plate nappers....

hay... banned na mga sa mcdo un, maba-banned pa sa alda's? eh san na tayo kakain nyan??? btw, thanks maui for the pizza!!!! yummmeeeeee...

reggae


after dinner, we went to kapalua in baywalk to listen to reggae music by tropical deppression, reggae mistress and pinikpikan. nu 107 gig ito, summer shebang. yung susunod na gig sa wow philippines sa intramuros kaso di kami pwede dahil CAMP sa museo pambata. nakita ko pa ang aking kinakapatid na si dek dun. kausap nya yung session drummer ng tropdep na kakilala pala nya from mindoro. sayang nga eh kasi when we got there, tapos na tropdep at reggae mis, and pinikpikan was on their 5th song na ata. tsk. sabi nung streamer na nakasabit: show starts at sunset.. hayyy... di bale, after the gig, we were able to stalk and take the picture of the magaling na bahista ng pinikpikan na si louie talan. o ha!

uwian na

after ng gig, umuwi ako sa las pinas. pero hindi southmall ang fx na sinakyan ko kundi sucat para sabay kami ni chie. naaalala ko pa kasi yung ikseri fx ride namin ni odet nung umuwi kami ng late from a gig din sa uste naman, kaya kahit medyo mas malayo, sumabay na ko kay chie. yung fx ride na yun, hindi naman kami na-masamang-loob pero iba talaga ung feeling ng biglang may sasakay na lalaki sa harap at likod ng fx, tas mag-a-alas dose na yun... basta. eniwey, pagbaba namin ni chie, di pa rin natapos ang pagiging evil plate-napper nya. biruin mo ba namang iligaw ako pauwi! sumakay daw ako sa pila ng tricycle sa helera ng mercury.

dinah: bye chie! sakay na ko ng tricycle dyan
chie: a, oo, dyan yung pila (nakaturo sa side ng mercury)
dinah: ha? e di ba dun sa kabila ang sakayan?
chie: hindi! dyan sila nakapila!
dinah: eh kasi dati dun kami sumakay pauwi eh...
chie: ahhh...ay oo nga!

naghahanap po si chie ng kampon nya. kung gusto mong mag-apply, punta ka dito tas i-post mo sa tag board nya ang iyong complete name, address, age and signature. good luck.

-------

bon voyage at ingats sa aking fafa-in-law na si papa ben. bumalik na sya sa vietnam para muling magtrabaho bilang isang enhinyero sa barko. babay, papa ben! see you in a month!

credits: chie for the pics

Monday, April 19, 2004

Q&A

mula sa isang friendster bulletin...

Name the Last Four Things You Have Bought :
1. lunch from aling nene's
2. dinner at jollibee last night
3. winnie the pooh book from book sale
4. pirated bamboo cd at kill bill dvd, ay five na to

Name Four Drinks You Regularly Drink :
1. water
2. coffee
3. coke
4. dyus

Last Time You Said 'I Love You' And Meant It ?
---ahhh... last, last sunday in lucban when dennis phoned me from japan. gawd, i miss him so much.

Last Time You Cried ?
ahhh, kagabi while watching 50 first dates with odet. pramis! alam ko comedy sya pero naiyak talaga ako! i think odet cried a bit, too...

What's In Your CD Player ?
ahhh, rippingyarns ni cynthia alexander

What Color Socks Are You Wearing ?
blue and white stripes

What's Under Your Bed ?
dumi, dumi at sandamukal pang dumi... saka mga shoes na sinupot ni daisy sa plastic last time she cleaned our room.

What Time Did You Wake Up Today ?
6:15. dapat 6:00 kaso 130a na ko nakatulog kagabi dahil sa concert sa basketball court ng camella 6 kaya humirit ako sa alarm kahit mga 15 more minutes lang.

Current Hair ?
huh? ah itim. medyo mahaba na from my normal crop

Current Clothes ?
green shirt, black jeans

Current Longing ?
dennis

Current Desktop Picture ?
ahhh wala akong sariling pc

Current Worry ?
ahhh... nothing really. inaantok lang ako talaga. well, maybe i'm worrying a bit about my kid sis, sya ay na isang discernment period ng kanyang buhay...ahlabshu, ga.

Current Hate ?
ay. bad yan. ahhh! yung mga nagnanakaw ng plato sa alda's! nyeknyeknyek! saka yung mga mahal na orig cds at dvds... pero sana talaga makabili ako ng orig na LOTR dvds... haaaaay...

Favorite Physical Feature/s Of The Opposite Sex
nose, eyes, mouth, kuko.

Last CD You Bought ?
yung pirated nga na bamboo na meron pang extrang rivermaya songs! andun yung balisong na kala mo eh foreign ang bumanat, hmmm, coldplay? tama ka chie, kaboses nga ni bamboo si jason mraz dun sa isang awit nya.

Favorite Place To Be ?
kahit saan basta kasama ko si dennis

Least Favorite Place ?
yung mga lugar na malamok. ewan ko ba, mosquito magnet ako eh. kahit san ata ako magpunta, di pwedeng wala akong kagat ng lamok. minsan parang ako lang ang kinakagat nila! kala ko ba sa mga pale, fair skins lang attracted ang mga lamok? nognog na nga ko pinapapak pa rin ako ng meskitos! sheesh!

If You Could Play An Instrument ?
violin. sosyal diba? social climber kasi ako, hehe.

Favorite Color(s) ?
blue and green

Do You Believe In An Afterlife ?
yes.

How Tall Are You ?
lampas five feet

Current Favorite Word/Saying ?
ahhhh...namfotah...taragees...sheeesh

Favorite Season ?
dalawa lang naman options dito sa pinas eh... rainy siguro, pero not bagyo.

One Person From Your Past You Wish You Could Go Back And Talk To:
ahhh... si MV3

Favorite Day ?
saturday

Where Would You Like To Go ?
right now? japan syempre.

How Many Kids Do You Want ?
kahit ilan basta kaya

Favorite Car ?
wala kong kotse so wala akong favorite

Friday, April 16, 2004

exhibit artist: santi bose; exhibit designer: leslie de chavez


(taken by chie on her fonecam)

kagabi nagpunta kami ni des, chie at tich sa ccp to attend the opening of santi(ago) bose's art exhibit: In Memory of A TALISMAN parang yun ata ang title, i'm not sure . hindi ko naman siya kilala, pero sumama na rin ako. si leslie kasi ang nag design ng exhibit. yep, THE leslie de chavez responsible for our outrageous lucban escapade! there were all sorts of people there, mostly artistes. sabi ko nga kay chie: andaming lalaking buhok babae at andaming babaeng buhok lalake. hmmm... di kaya? pwede ring their hair wants to say something about their sexualities...hehe. anyways, mamu was already there when we arrived, kasama nya si papa rolly at shala. tita tennie of anino was there pero di ko sya nakausap. there were also some musicians present who gave impromptu performances. astig! sayang pala, we saw leslie nung pauwi na sila si azela, his gf. as in patawid kami ng kalsada ng ccp, tas nag-aabang na sila ng cab. di ka man lang naman nadagukan (pat in the back) dahil sa isang mahusay na disenyo! asteeg ka, teacher les!!!

santi bose: ayon sa aking nabasa ng pahapyaw sa exhibit, isa syang pintor na based sa baguio. yung mga works nya ma-pulitika. meron pa ngang isa na very distinct ang mga phallic symbols (si des actually ang naka-notice nun, bat kaya?)... nung nasa theatre pa ko sa pup, naalala ko when our resident visual artists would always use the penis as a symbol for the american presence dito sa pinas. di ko ma gets but when i grew older, i just interpreted it as a macho, I'll-save-you-from-anything thing, gaya ng mga pinapangako ng mga kano sa pilipinas hanggang ngayon... hay. chie said santi bose passed away last year. i liked: unidentified the best. ilan sa mga collectors ng kanyang mga works ay sina: bencab at kim atienza.

palakpakan para kay bose at de chavez! wahu!!!

Monday, April 12, 2004

salamats

mauuna syempre ang pasasalamat bago ang reklamo, hehehe. pasasalamat sa mga tao at may kinalaman sa isang masayang weekend sa south luzon!


malen - sa pagiging hostess, trek master at haciendera! ang ganda-ganda sa pagsanjan kahit walang pols :D. salamat sa pamilya mo na nag-asikaso at nagtolerate ng ating mga boses well waaaaaaaay into the night. at sa alaskador na kalabaw!!!! bwahahahah!!! (photo taken at the veranda of malen's uncle rick's haus in pagsanjan)


chie - sa iyong disposable camera na naglalaman ng mga IBIDENSIYA!!! ahahahah!!!!! (photo taken while trekking to the dry pols, hehehe)


des - ikaw ang dahilan kung bakit may lucban trip :) thanks, boi! (photo taken while trekking back from the dry pols, evidently, hindi kami disappointed, hehe)


tich - dahil sumama ka. that alone makes the diff! ;-) (photo taken sa hagdan nila leslie, galing sa pag-ikot sa buong lucban, mukhang hindi pa pagod ah...)


odet - oi! sis in law! dahil asteeg kang kasama at wala kang kiyems! at dahil uminom ka... ng tubig na malamig sa lucban! ahaha... ehehe... wala... wak kayo ingay.... (photo taken i think going to the dry pols, with chie and the trek guide)


leslie - asteeg na pintor! salamat sa iyong mainit na pagtanggap sa pamamagitan ng pagbuhos sa min ng malamig na tubig ng lucban, hehehe! salamat po sa pagkupkop sa amin dahil wala ng jeep. salamat sa beer, beer at beer pa! salamat sa buong pamilya ng de chavez! oi, carla, you rock! see you sa pahiyas!!!


super chikadora carla


wet, wet lucban water goddesses, haha! bums and the lucbanites!

at syempre

kay dennis - sa iyong pagtawag na napakatagal ko nang hinihintay. :) salamat, den. miss na miss na kita talaga. ahlabshu madami, okei? muah! size 6 paa ko ha, hehehe.

GASHES...

oo, gashes... matapos kong magpakasaya, magpakalasing at magpakanognog sa pagsanjan at lucban. back to work ako at heto, ngarag na naman... ganun ba talaga? pag masyado kang masaya, siguradong may kabadtripan na naghihintay sayo? sheeesh.

Tuesday, April 06, 2004

experience the passion of the christ

last saturday after a lunch treat from museo birthday girls, chie and liz, (salamat po!) chie, odet and i saw the passion of the christ. i have read quite a number of reviews about this movie, late kasi showing dito sa pinas para nga naman sakto sa lenten season, the reviews all praised the director, mel gibson for coming out with an "experience" more than entertainment. i agree. if you watch the movie, you don't really "watch" it, you experience it.

i'm a catholic. i'm human. i do not always agree with everything my catholic church gives me, i try to hear mass every sunday, if i miss mass, i pray. i pray everyday. i get my spiritual vitamins outside the church more. i always believed that "christianity in action in better than christianity in ritual." i also believe that spirituality should not be through religion, dapat nasa tao yun, nasa paniniwala nya. hindi ko rin mastered ang bible so i wouldn't know how much of the movie was true-to-the-bible or how much of it was art.

the passion of the christ brought out the baby in me. umiyak ako like i wanted my nanay to hug me. like i wanted someone to comfort me and tell me everything will be fine. i felt so helpless seeing Jesus being persecuted by the people (us) he was trying to save. i wanted stop the man whipping his body raw. i wanted to shoo away the demons. i wanted to run to mary and cry with her and hug her. i wanted to help carry the cross which looked so heavy (with our sins). at some points of the movie, i just closed my eyes kasi i didn't want to see anymore. i guess those were the times when i felt most ashamed, of all my sins which i know crucified jesus. i was reflecting while seeing the movie and asking for forgiveness the whole time. i cried so restrained that my chest was heavy even after the credits have rolled.

i think everybody should experience the passion of the christ. palakpakan for mel gibson, jim caviezel and the whole passionate crew. thank you, jessie for the instruments of your love.



one of my favorite scenes. during one of jesus' flashbacks... being a son (man) of carpenter, he took up after joseph to also be a carpenter. in this scene he was making a table, bit taller than the normal height, while mary was calling him for supper. ito yung scene na pinakita how jesus was so down to earth and so man-like... ugh, naiiyak na naman ako...

sige na, babay na! bukas na ulet yung day 2 sa pangasinan!


Monday, April 05, 2004

the pangasinan experience

i had my long needed break last week. i went with dennis' family to their hometown in dasol, pangasinan. ang saya! super sulit ang bakasyon ko. tatlong dagat ang aming napuntahan at sandamukal na kamag anak ang aking nakilala. i also got to practice on my ilocano a bit....

the bakasyonistas: papa ben, mama digs, odette, theto and moi. and also, lennox tha dawg.

MARCH 27, Sabado

woke up at 330am, we were supposed to leave at 4am. odet, theto and i were already packed, late na nga kami natulog the previous night. we took turns taking a bath, dressed up and stood waiting for departure. ready to go na kami at 4am, kaso there were some last minute packing pa so 5am na kami tumulak papuntang pangasinan. masaya yung byahe, maingay, may games pa (dugtungan ng kanta), parang field trip ng high school! hehe...

we stopped at mabalacat junction, lennox tha dawg hurled at the back of the car so we had to clean up. nahilo ata dahil first time nyang bumyahe, and we forgot to give him bonamine (nagwowork din kaya yun sa aneemals?)

when we got to alaminos, we stopped at the house of ante (auntie) flo, sis ni mama digs. lunched and picked some kasoy fruits. akala ko sa antipolo lang nagta-thrive yun, madami rin pala sa pangasinan as i were to find out on our last day when we went to the market for our pasalubongs. i met toto, a cousin. ante flo and her husband were already in dasol. they have a really big car accessories/service business, sila lang ang ganun sa within hundreds of miles na radius. our lunch was ubod ng sarap na hipon, ultra delish sinigang na tuna, steamed alimasag, fried chicken (na dinedma ata naming lahat). after lunch, we went back on the road.

2 hours pa (a little less ata) before we were to reach bgy. tambobong. long stretches of rough road, some patches of concrete and more rough roads. sabi ni mama digs, mas okay na nga daw ang roads ngayon, mas mahahaba na ang concrete. well, i didn't complain, i was used to travelling for hours and hours on rough roads, thanks to my past projects in aurora, bondoc peninsula and bicol. we passed by the cemetery where mamang and papang were buried (mama digs' parents). we stopped to pay our respects, took pics on odet's fonecam then journeyed on. i enjoyed the byahe. i liked all the places we passed, and even the aneemals na nagkalat sa kalsada (cows, kalabaws, kabayos)... kinuwento pa ni papa ben yung time when he had to walk from somewhere, one hour (by car) from the house, dala-dala nya yung gatas nina dennis at deo. asteeg, ang layo nun ah! tas rough road pa all the way noon...na-miss ko tuloy sobra si dennis habang kinukwento nya yun.

nakarating kami mga 2 pm. ang ganda ng lugar. ante flo's house was the sitting by the shore, there was no other houses as close to the sea as hers. malawak yung compund nina mama digs, ante flo got the best piece. the house is accreditted by the Dept. of Tourism, so tourists can stay there and pay only P2,000/day. super cheap! 3-bedrooms, 2-crs, kitchen, dining and lots of space to run around on. ante lydia was there, sis din sya ni mama digs, na-meet ko na sya dati sa las pinas. odet, theto and i claimed stake at the bedroom by the sea agad, that was to be ours for 4 days! yahu! merong malaking glass window overlooking the sea...and the beach? asteeeeeeg! white sands and clear, serene waters! as in no more than a ripple ang movement nya, no giant, iskeri waves.

habang nakatingin kami sa beach thru the big window, biglang sumigaw si theto: "may flying fish!!!" syempre, the skeptic that i was said: "ha? san? hindi yun flying fish! dapat malayo yung talon." so tumunganga kaming tatlo at naghintay kung mag lilipad ulit. wala. maya-maya, may nakita na naman si theto. sabi ko: "walang flying fish dito." yabang ko eh. feeling ko i know.

after a short rest, odet, theto and i explored the premises. read: the beach. we found out that there were hundreds of labang-labang (jellyfish). nung una, takot na takot kaming hawakan kasi alam ko, makati yun saka it can really give you peklats from hell, i have more than enough, thanks, so i cleared out of the jellyfishes' way. tapos, nakita namin yung mga bata na pinaglalaruan yung mga labang-labang. eyngs? hindi ba nangangagat yan? hindi ba makati yan? haan! sabi nila. hindi daw. so ayun, humawak na ri kami ng jellyfish, ang weird, para ka talagang may hawak na jelly/ jello/ gelatin sa kamay mo. and they were really harmless. gumawa pa si odet ng video about them... ang jelly fish ay made up of 90% water... parang ganun...


our hawaiian looks, hehehe

odet and theto snorkeled. excited silang gamitin ang kaninang wunduhfool isnorkels. ako, nagtampisaw, hehe. takot ako sa grassy parts eh, baka andun ang loch ness monster, raaaayt. but i did get to see the underworld. i borrowed their goggles and dived where there were no grasses and i saw some corals and fish and more jellyfish.

after our atat swim, hehe, we had diner under the stars. may papag kasi dun sa labas ng house under a tree. we had inihaw na isda and lots more. everyone was telling us, "o, di bale, bukas makakakain kayo ng karne." thanks, but i'm not excited about manila food. i'm very happy with what we were eating then. ante flo and her hubby (uncle____, hehe sorry po, nakalimutan ko) joined us for dinner, ante lydia, ate marly (ante lydia's daughter) also. we were so full that we fell asleep early on our first night. wala pala kami eh, deads agad, hehehe.

day one pa lang yan ha... next time naman yung days 2-4, okies? ciao!

ps. yung inihaw na fish for dinner: flying feeesh. leche.


Friday, April 02, 2004

me and the hundred islands

i'm back! at more nognog than evuh! hehehe. haaaaaaayyyy, salamat sa bakasyon, dear jessie.

hundred islands. what hundred islands? hehehe, hindi kami natuloy dun! masyado na kaming nalula sa mga magagandang tanawin dun pa lang sa lugar nila dennis kaya okay na sa min na wag na lang pumunta sa hundred islands. nakakita naman kami ng hundred jellyfish kaya okay na rin, hehehe.

saka na pics ha. wala pa yung supply ko kay chie eh. :D por da mintaym, pasakalye ulet. with theto and odette, boat ride to one of the islands na kasama sa island-hopping trip namin.



aloha!