darna!!!
isang buwan at kalahati. yan na lang ang nalalabing araw bago ang kasal namin ni fafaden. kumusta na ba ang aming paghahanda?
kahapon, pumunta ako sa QP para sa final proof ng aming imbitasyon. wala pa rin si mam kaya maaga pa nung umalis ako. pero, naku, sa monday, see-you-later-wedding-preps na naman ako dahil hectic na ulit dito sa opis. 230 ng hapon ako lumarga, balak ko sana, dederetso na ko kina vikki pagkatapos sa qp. si vikki ang gagawa ng souvenirs para sa mga ninong at ninang. inisip ko, sandali lang naman siguro ko sa qp dahil ichecheck ko lang naman kung may typos yung lay-out.
mali ako. ang tagal ko sa qp. nakatatlong palit ako nung lay-out, at kung hindi pa sinabi nung nag-assist sa kin na hanggang tatlong palit lang at may bayad na yung susunod, malamang naka-apat o limang palit pa ko. tsk. asar na asar na siguro sa kin yung babae. pero syempre, smile pa rin sya sa kin, naisip nya siguro: wawa naman tong bride na to, stressed na siguro sa preparations kaya windang na... nyahaha.
ang hirap naman din kasing magdecide kung mag-isa ka lang, at alam mong dapat dalawa kayong nag-aasikaso. nakaka-frustrate. nakaka-stress. nakakainis. pero naisip ko rin, i should have been able to handle it on my own, kahit wala si fafaden. feeling ko lang kasi parang dapat may kasama lang ako para magsabing. okay yan, maganda or wag yan, try natin yung iba. kaso nga, wala.
ending. di ako masyadong happy dun sa naging choice ko. pero andyan na yan. tingnan na lang natin ang kalalabasan.
--------
anyway, highway.
gawa na ang bagong tropical hut sa tapat ng la salle, yahoooo!!!! nakakain na ko kahapon! pano kasi, di ako naglunch. nagpapanggap pa rin akong nagda-diet kaya pipino at lychees lang ang kinain ko nung tanghalian. tom jones na tuloy ako kaya pagkaalis sa opis, daan muna ko sa tropical.
pagbaba ko ng overpass ng quiapo, may nadaanan akong nagtitinda ng tren na debaterya, kumpleto with riles and pirated na battery. alam mo yung mga bateryang tinitinda sa mga bangketa, ung P10 ang anim na piraso, yun. bumili ako nung tren, para kay dico, P60 pero tinawaran ko kaya P50 na lang. (pirated talaga yung baterya, wala pang 15 minutes na ummandar yung tren, deads na.)
naghanap na rin ako ng abaniko at ribbon, pero hindi pa rin ako parehong nakabili *sigh*. pano ba naman, hindi alam nung tindera kung ano yung olive green. katoink! saka medyo lampas pa rin sa budget yung abanikong nakita ko. hay. this saturday. this saturday. this saturday. sana rin this weekend or next week the latest eh makapunta na ko kina vikki para okay na yung souvenirs ng mga ninong at ninang. sa sunday, dadalhin na ng mananahi (tich's mom) yung 1st batch ng mga damit. pano kaya yun, may session ulet kami sa kaakbay? tas fafaden won't be home till saturday night... on my own na naman ang byuti ko...
kaya ko to. kung kinakailangang malaman ng buong mundo ang aking tunay na pagkatao, malaman nilang isa akong superhero para lang magawa ko ang lahat para sa aming kasal ay gagawin ko. kung si spiderman nga nagpakikila kay MJ na sya at si peter parker ay iisa para lang sa pag-ibig, ako pa. para sa pag-ibig... (duh???)