paliwanagan mo nga ako.
meron bang perpektong tao? pakilala mo nga sa kin.
bakit ba ang hirap magpakatao?
bakit ba mas napapansin mo ang 1 bad deed ko out of 10 good deeds?
pag nakasimangot ako, ibig sabihin masama ang loob ko? o naiinis ako? hindi ba pwedeng nag-iisip lang ako ng malalim at dahil serious ang mukha ako, para akong nakasimangot?
pag nagbigay ka, kailangan bang laging may kapalit?
pag meron kang ibinigay sa kin at tinanggap ko, kailangan bang palaging mag-thank you?
pag hindi ako nag-thank you, ibig sabihin ba nun, ungrateful ako?
pag hindi ako umiimik, ibig sabihin ba naiinis ako? masama ang loob ko?
pag ibinalik ko ang ibinigay mo sa kin, ibig sabihin ba nun mataas ang pride ko?
pag maganda ang pinakikita ko sa iyo, ibig sabihin ba nun nagpapaka-plastic lang ako?
bakit kapag nag-uusap tayo, parang okay naman ang lahat. ako ba ang plastic? o ikaw?
bakit pag nakatalikod ako, iba na ang sinasabi mo?
bakit kailangang sabihin mo sa kanya ang kahinaan ng mga anak mo, imbes na pagtakpan?
bakit yung isang anak mo, lagi mong pinagtatakpan?
mali ba ang ginagawa ko? tina-try ko naman ah.
hindi ako nakikipakumpetensiya sayo.
matagal ko nang alam kung san ako nakalugar.
bakit ako umiiyak habang nagtatayp? masakit ba ang mga daliri ko?