Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Monday, February 23, 2004

just married

yep, yesterday at my house, at a little past 10 am, dennis and i got married. it was the happiest, funniest, most exciting moment of my life. and i will never ever trade it for anything. i love you, dennis, my husband.

i almost cried, you know. if it weren't for the white charol shoes of the minister. :)

Thursday, February 19, 2004

up fair

i went to the up fair concert last saturday, valentine’s day (night) with dennis, chiebum, desbum, noreenbum, maoui, odette and meg. man, oh, man, was it a blast or what! it was concert i’m really happy i was able to attend. in my previous blog (missing gimiks), akala ko talaga i was gonna miss it, what with dennis being home that weekend and him might wanting to rest instead, saka di nya masyadong trip yun eh. good thing i was able to twist his arm a bit and he said yes, owing largely to the fact that i had to do i little black mail, hehehe… anyways, eto ang highlights ko and some photos courtesy of noreenbum’s deegeecam and chiebum who posted it first sa bumsquad

YUPI FEYR HAYLAYTS!!!


1. dennis saying yes, we’ll go. he provided the car and driving syempre. man, oh, man, i really love this man! super antok na sya after the gig that he had to tickle me awake para kausapin ko sya at di sya makatulog while driving home.

2. slam!!! slam!!! gawd, all the slam dancing that night made me wanna go back to my bistro sa amoranto days. medyo lang i missed my friends who went with me to bistro…


3. bums rock!!! sarap talaga kasama forever. plus odette, hubert and gf, and meg pa!

4. super colorful headbands na hindi ako nakabili, sayang! super astig red lennon shirt na din din nakabili dahil xl na lang ang size…that oh-so-good fruit shake! “manong, padagdag naman ng strawberry!” super panalong binalot rice at inihaw with matching itlog na maalat at kamatis, yumyumyum!!!


5. mga long-ago bands na yumugyog sa katauhan ko noong unang panahon… asin, you rock!!! walang kupas ang boses ni mareng lolita! sayang, tenten, you missed himig ng pag-ibigthe wuds! naknangweteng, buhay pa pala kaiow? peace, men!

6. ano yun??? sino yun?? giniling festival??? nope, nope, it’s jeepney joyride! (ngek, parang “you need a fenuth vather”!!!) ang saya ng gig nio, pwede ba kayo sa museo? kahit maputi na ang b****l ko? hehehe... narda and mathilda, you go, gurlz!!!

7. oi, asukal libre! sabi ni odet deadma daw ang ust crowd sa iniow, di bale panalo naman sugarfree nung sabado sa peyups! ‘stig!


8. tulo-laway na performance ng the mongols. well, actually, si des at chie lang ang tumulo ang laway.. kami? bato’ed as in rocked ha. astig ka jesus (ely), lakas pa rin ng kamandag mo tsong. teka, si dennis may side comment: “sus, mas okay pa yung boses nung bassist kesa sa kanya..” hehehe.. boys!


9. cynthia naaaaaaaaa!!!!!! whoooooooooo!!!! cynthia na!!!!!!!!!! taragees, cynthia alexander, you are a gawd!!!!

10. shawarma rice rocks. basta.

di namin natapos yung gig, kasi naman pamorningan po yun! pero di bale, sulit yung singkwenta pesos na ticket. walang talo! di ba no?

--------
bloodyorc

chiebum was windang kahapon. gagayahin ko yung dialogue writing nya...

dinah: hello, may i speak with chie?
operator: one moment!
chie: o? (uy, orc agad???)
dinah: ngek, busy kayo?
chie: (pause sabay...) as in!
dinah: vakeeeet?
chie: book launch sa 30 ( i heard 30, pramis)
dinah: sa 30? feb 30? (gawd, dinah, kelan pa nagkaron ng 30 ang feb???)
chie: 13! one-three!
dinah: ahhh...march?
chie: yup!
dinah: ahhh...andyan si tich? (yoko ng kausapin si chie, orc eh!)
chie: sa baba...
dinah: ahh... (in slowmow talk) pa-traaansfer namaaan ooohhhh....

later, around 530, chie texted me, sabi nya, sensya na daw di nya ko nakausap kasi ang kulet daw ni nina...read her blogs. sabi nya, march 12 daw yung launch, so inulit ko sa kanya yung phone conversation namin... sabi nya: sinabi ko ba 13?

uh, earth to chie-orc...

eheh.

ciao!



Monday, February 16, 2004

KIM's BB post

bored daw si kim kaya nagganito sya... tsk, kung anikanik talaga ang nagagawa mo pag wala kang magawa... hay kim, sana nawa'y mahilo ka kakaikot sa buong mundo...

*Anong oras na ngayon?
- 1204pm

*Ano’ng nasa isip mo ngayon?
- wala akong pambayad ng phone bill :(

*Sino’ng nasa isip mo ngayon?
- si dennis, kasi sya ang magbibigay ng pambayad ng phone bill :)

*May gagawin ka ba mamaya?
- magbabayad ng phone bill sa rob

*Kung hindi ikaw ang sarili mo ngayon, sino ka?
- mah...!

*Nickname na pinaka-ayaw mong tinatawag ka:
- taba

*Taong lagi mong kasama:
- bums, dennis, oo second lang sya.

*Kung masa-stuck ka sa isang isla ng isang linggo, sino ang gusto mong makasama at bakit?
- pwede ba iba-ibang tao per day?

*Kung magiging anime character ka, sino ang gusto mo:
- ahh, si pikachu

*Mamili ka: Iiwan mo ang taong mahal mo, at single ka na lang habambuhay pero marami kang pera, o kasama mo ang taong mahal mo pero magdarahop kayo habambuhay?
- yung una. tas pababalikin ko sya pag nakuha ko na yung una.

*Isang awiting nagre-reflect sa kung ano’ng nararamdaman mo ngayon:
- BAD DAY ng REM

*Unang pumapasok sa isip mo pagkagising ng umaga:
- gaaaaaaaaaaash.

*Bagay na pinakaayaw mong gawin sa ‘yo:
- back-stabbing

*Natawag ka na bang nerd?
- di ko maalala. weird natawag na din ko.

*Pano mahahalata ng mga tao kung in love ka?
- bukambibig ko ang pangalan nya.

*Nagmamadali ka ba ngayon?
- medyow.

*Kung aalis ka at hindi ka na babalik ng Pilipinas kahit kailan, san ka pupunta?
- kahit saan basta kasama ko si dennis.

--------
UP FAIR



whoahohohohohoa!!!! astig. para ba kong nagtatago sa likod ni dennis? kakatakot kasi yung mga nags-slam dance sa harap ng isteyj... pero, footah! super saya! saka na details. medyow nagmamadali ako eh!

laterz!!!!

Tuesday, February 10, 2004

wrong timing

i had a great time last night at the wake of kuya joy's mom. huh? i know you know what i mean when i say wakes are the most possible venue for a reunion. it may not be the most appropriate time but really, you see those whom you've lost track with in a while, like say 10 years...

--------
hello yesterday pipol!

last night, i saw, after 10 years, my high school classmate cristina cordova. she came with another 10-year absentee ate irene from college. syempre bungad sa kin ni cristy: "dinah! ang taba-taba mo!" right smack in the middle of a diet and all... geesh, thanks, ty, it's nice seeing you, too! pero oks lang yun! di naman ako sensitive eh, bukas sunog na bahay mo, ty! hehehe jok lang! hmp, nagsalita naman to! kala mo ang payat nya, hehehe, peace!

si ate irene naman, ang sexy! after three (-1) kids eh super sexy pa rin sya, kainggit! di bale, papayat din ako... papayat din ako... papayat din ako...

i also saw some people from the anteva days...si ANTOBA at si rowel, hello, hello! musta na kayo?

eto, dahil pinangako ko kay cristy na ipo-post ko yung pics nung kasal ni little, eto na...


o ha! ganda ng lola mo no!


yiheeee....ang sweet. sobra. :)


portrait. :)

konti lang ha, punta ka na lang dito para makita mo yung buong album...

--------
sabi nung isang favorite song ko ng indigo girls (fare thee well): "this strange season of pain will come to pass when the healing hands of autumn cool me down..." kaso, di tayo four season, di ba? corny... anyways, this, lei, is what i wanna tell you. time. everything takes time. i know, too, that in time, peej will realize all the wrong things he ahs done to you. :( yaan mo, dito lang ako pag kailangan mo ng manglalait sa bago nyang jowa, hehehe, jok.

--------
missing gimiks

oo, missing, nawawala. nawawala na ko sa gimik circle ng mga bums. at missing dahil namimiss ko na rin talaga gumimik... missing din dahil i'll be missing two great gigs this weekend, yung lovapalooza chuva at yung UP fair. huwaaaa....huwaaaaa.... umpisa na ba ito ng buhay mag-asawa???

oi, nakakatawa yung action-packed fogging nung dalawa dyan ha... patawa kayo ha... islow mow ka pa dyan ha...

--------
hi, den. miss na kita. see this weekend. i love you.



Monday, February 09, 2004

KATOLIKO NA KO!!!

thus uttered dennis, my labs, after he was baptized and confirmed into christianity, the catholic way. welcome, den. and thanks, father jojo, sana ikaw ang magkasal sa amin. :)

--------
whiling away all the while...

andito pa ko sa opis, patay oras, oops, no pun intended... kainis, wala akong kasabay papunta sa wake ng nanay ni kuya joy. late na si jj masyado at ayokong magpagabi. si kim naman, wala. no comment. anyways, i'll probably just go there by myself and get lost (not). kuya joy, i'm truly sorry for your loss. dennis and i extend our condolences...i know your nanay is in the best hands now, getting all the best care there is, on the other side.

see you later pala. :)

--------
thanks to dennis' folks...we have a new bed! bigger, better and stronger, hehehe. pwede na kaming magpagulong-gulong sa aming bagong kama. oha! eto na nga talaga. :)

yun lang muna.



Thursday, February 05, 2004

Meet MITCH, ang pinakamakulit kong kaibigan



Sya yan, si Mitch, sa Rodeo Drive sa California, USA habang sya ay namamasyal at nagsha-shopping. Miss ko na tong taong to. Kahit sya yung pinakamakulit kong kaibigan, kahit nakakainis sya at nakakapikon ang kanyang kakulitan dahil talaga namang kukulitin ka nya hangang maasar ka sa kakulitan nya (parang ang kulit ko na ata...) eh, talaga namang kaibigan sya. Miss ko na sya kasi sya yung tipo ng kaibigan na kaladkarin, oo pwede mo syang kaladkarin kahit saan. pero teka, hindi pala, ako pala ang nagiging kaladkarin pag sya ang nag-aya. palibhasa kasi mayaman sya kaya kahit san sya magyaya eh sya ang magbabayad, hehehe.



eto sa tapat ng tiffany and co. (obvious ba!)

Na meet ko si Mitch nung nagtatrabaho pa ako sa isang NGO for children. isa syang nurse pero hindi sya nagpapraktis. dati magkaaway kami nito. pano ba naman, palibhasa spoiled, gusto nya lahat ng tao eh friends nya, hehehe. masama ba yun? di naman ah! eniweys, basta, si mitch kasi ayaw nya yung plastic, eh anong magagawa ko, maarte ako dati... dati yun...

ngayon, wala na si mitch...hinde, buhay pa ho siya kaso wala na sya sa pilipinas, yun ang ibig kong sabihin. nasa US of A na si Mitch at kasalukuyang nababaliw. hehehe. miss mo na ba ang subic? tangek ka talaga, next time na may jet ski, mag jet ski ka na ha. topakz. labyu, mitch.

ANIKANIK NA PEETYURS


cuteeeeeeey! ako at si purplegurl isang araw na walang magawa ang dalawang kolokoyz sa cube ni bloodyaverage. teka, isang araw? eh araw-araw kayong walang ginagawa sa mga cubes nio di ba?


ako at si dennis kuha ito sa sm storyland last january...kelan na nga ba yun? ah, january 25. medyo malabo engz yung lotek kong camera, di pede sa dark placez. :)


eto naman si dennis habang nakasakay sa bumpcar (duh!) feeling nya nasa ibang bansa sya at naka-peace sign pa gaya nung mga nakikita kong pityur ng mga pinoi na nasa ibang bansa. :P


sa bahay nila dennis with his nephew bleu. wala lang, ubos film.

salamat, bloodybum at sa iyong bagung-bagong scanner! wahahaha! unang kliyentye! oo nga pala, wait nio yung peetyurs si super sexy MITCH habang nagsha-shopping sya sa Rodeo Drive.

ciao.

Tuesday, February 03, 2004

SAN AKO NANGGALING?!?!

nakakawindang ang mga nakaraang araw. with all the things we (dennis and i) have to do for the wedding, eto at nakisingit pa ang job fair na hanggang ngayon ay di pa rin mapagtanto ng boss ko kung ano talaga ang role ng kompanya namin, matapos nya akong tensyunin dahil natetensyon sya. grrr.

buti na lang kasama ko si vikki. hay, tengkingyors, vix!

dahil sa gawaing panghanap-buhay na yan, ilang araw ko ring nakaligtaan ang aking blags. last weekend ko pa gusto magsulat kaso walang venue. excuse na yung reason last friday night at sabado maghapon dahil hindi ako orc nun, inaayos kasi namin ni dennis yung requirements sa kasal. pero nung sunday at kahapon, wala, ORC na ko, DEAD orc pa. hay, san ka pa naman talaga! minsan lang talaga sobra. grr, lech!

--------
NU PIK



tsek awt nio, may bago kong peetyur. kuha yan sa conspiracy bar last thursday kung saan pinilit ako ng mga bums na sumama sa kanila kahit ilang beses kong pinagdiinang pinagalitan na ko ni dennis sa kakalakwatsa ko at kakagastos. o, eh ano namang magagawa ko? ako'y tao lang na nadadarang at natutukso riiiiiinnnnn....



tich, des, moi, chie, anne and minnie

kung nais po ninyong makita ang iba pang mga peetyur dun sa conspiracy last thursday, punta kayo dito. oke?

cge, welkam bak sa kin dito. saka na kita sesermonan torpedo.

ciao.