hundred islands, here i come!!!
tomorrow at 4am, pupunta kaming pangasinan, sa lugar ng mama ng aking labsidudels na si dennis. ako, mama nia, papa nia, si odet at si theto na classmate ni odet nung high school.
first stop, tambobong, dasol, pangasinan. ito ang hometown ng aking mother-in-law, mama digs. ayon sa kwento, lalo na pag nang-iingit si dennis everytime uuwi sila dito dati at hindi ako kasama dahil hind pa ako ganun "ka-family" noon, wala daw sinabi ang white sands ng boracay sa buhangin sa kanilang dalampasigan. pag umuuwi sila, doon sila sa bahay ng auntie flo nya nag-s-stay. nakita ko na ang mga pictures. yung bahay ay makatayo sa tabi ng dagat, as in tabi. pag high-tide, abot ang tubig sa kanilang pader. pag low tide naman, pwede ka atang manghuli ng kung anikanik na shellfish at seafood. yep, ganun ka-"tabing dagat" ang bahay.
bakit kami pupunta dun. ipaghahanda ang babang luksa ng kanilang matriach, lola ni labsee. actually, nung january pa ang first death anniversay, kaso dehins swak sa sked ni papa ben (father-in-law) celebration (bat nga ba sine-celebrate ang death anniv?) so nag-request si mama digs na magpa-misa na lang ang mga nandun sa exact date tas ang handaan ang sa linggo na lang, yeps, this sunday. so yun.
bat ako sasama? e kasi, gusto ko! saka kalangan kong makita at mapatunayan na comparable nga sa boracay ang kanilang lugar.... hmmmm. syempre bukod dun, gusto kong ma-meet ang mga kamag-anak ni dennis. syempre dahil kamag-anak ko na rin sila technically.
pasakalye...
o ha! asteeg!
after the "celebration" napag-usapan na we will head off to hundred islands. yan eh kung hindi magbabago ang kanilang mga isip at biglang mapuntang baguio. sana wag. mas excited akong makita ang mga isla sa pangasinan eh. hmmm.
til wednesday ang leave ko. poocha, ilang araw na break, bakasyon, pahinga!!! gashes. mamimiss ko for how many days ang aking blogs. kitakits na lang pagbalik ko ha! tag kayo all you want, update nio ko sa happenings while i'm gone, okies?
salamat!
uy, den! next time, magkasama na tayong pupunta dun ha!. miss na kita. i love you. :)