Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Monday, January 31, 2005

naman!

ang kapalkan ng ating pamahalaan, sa atin sisingilin?

NO

TO

12%

VAT!!!

lahat na lang ini-increase-an! kuryente! tubig! gasolina! tas ngayon, an increase above all these increases pa! ang sweldo ng mamayang pipilino, walang increase! ano ba yan, gloria? sinasabay mo ba sa height mo ang sweldo namin? eh wala na nga talagang pag-asa ang pag-angat ng buhay ng mga pilipino, gaya ng pag-angat ng height mo.

palibhasa mayayaman kayo kaya para sa inyo maliit lang yan at di nyo mararamdaman. may mga exemptions pa kayong nalalaman. halimbawa, di nyo dadag-dagan ang tax ng noodles at sardinas dahil ito ang pagkain ng mga mahihirap. baket, gloria, sa grocecy ba kami namimili? nako-control nyo ba ang presyo sa mga sari-sari store? ang mga tao, basta nag increase ang kahit ano, across the board yan, hindi gaya nyo. yung mga matataas ang pwesto sa pamahalan, sya pa ring pinipilit nyong itaas, kasabay din ng pagtaas ng sweldo nila na galing sa aming mahihirap din! besides, ano, noodles at sardinas na lang ba talaga ang ipakakain mo sa amin???

bat ba yang kapalpakan ng gobyerno mo ay sa min mo sinisingil? pagbutihin nyo ang pangongolekta ng buwis at pagbayarin ang dapat magbayad! hindi yung itataas mo ang buwis para sa aming mga mahihirap mo kukunin ang mga utang mga mga sponsor mo sa halalan! hmp!

maawa ka't mahabag, gloria. sana man lang, increase-an mo muna ang sweldo ng mga pilino bago ka mag-increase ng ano pa mang dadag mong ipapapasan sa amin. nun ngang 10% pa lang ang VAT, hindi na nasingil mabuti ang mga dapat magbayad eh, ano ang assurance mo na magbabayad ng tama this time ang mga nag-tax evade nung 10% pa lang ang VAT???? tas sa min mo sisingil ang mga utang nga mga mayayaman??? grrrrrrr!!!!

nagagalit talaga ko sayo ngayon.


Thursday, January 20, 2005

january is almost over...

ang bilis ng araw. parang kahapon lang nung iniisip kong kailangan ko na talagang ng isang malufet na bakasyon, at hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ito.. hmmm, pre and post wedding thought yun, meaning december 2003 ko pa gustong mag-RNR. ngayon, halos isang buwan na ang natapos sa bagong taon...

yung post ko sa baba, may number 1 at 3 pa diba? parang ayoko na munang pag-usapan pero bibigyan ko na rin kayo ng summary.

oooOOOooo


yung 1, tsunami. tumama yun sunday sa phuket, thailand, umaga. kung na-delay yun ng isang araw at nangyari ng lunes, nandun si daisy. at dahil yun ang oras kung kelan naka-dock ang kanilang barko, ayoko nang isipin kung ano ang possibleng nangyari. my whole family is just so thankful to GOD that it didn't happen when daisy was scheduled to be there... so nung monday after the tsunami, their ship went to penang instead. natamaan din yun ng tsunami...

oooOOOooo


no. 3. opis. may mga tao lang din talagang hindi nagsasabi ng totoo. at the expense of other people's lives and money. deception at its finest. oo, somethere there's probably truth in what they said. pero habang tinitilad-tilad ko lahat ng mga pangyayari, the more i realize that they lied to us, their partner, from the very start. at dahil they have been our partner ever since pero on a different project, we HAD faith in what they were saying. HAD dahil tapos na yun. ngayon, since kami ang nag-middle man sa kanila at sa mga tao, at dahil kami ang nandito sa pinas at nasa kabilang lupalop sila ng mundo, sino ang nabubuntunan ng lahat? sa hirap makakuha ng visa papunta dun, plus the fact na isang buong taong sweldo mo ang ipamamasahe mo para lang makapagreklamo ng harapan sa kanila, sino ang susugurin mo sa galit?

kahit makailang libong beses naming iinsist na wala kaming kinalaman dun dahil technically, wala nga talaga, may maniniwala ba? lalo pa't perang pinahirapan at inutang ang pinag-uusapan dito.

sa isang banda, meron naman na DAW silang hakbang na ginawa upang tuloy pa rin ang project... ang tanong, pano ka maniniwala?

oooOOOooo


PASENSYA

meron kaming dalangin
kami ni fafaden
magka-baby na sana kami.

si fafaden, sa subic ang trabaho
weekends lang nauwi
weekends na madalas
safe ako.

pero okay lang.
darating kung darating
diba?

hintay lang.

meron akong kamag-anak.
kinse anyos, lalaki.
may girlfriend sya,
kinse anyos din.

preggy.

hindi nakapag-hintay.


Thursday, January 06, 2005

sa simula ng taon

hindi maganda ang pasok ng taon para sa akin. tatlong bagay:

1. tsunami.
2. nanay
3. opis.

number 2 muna ang ikukwento ko. sa mga susunod na post yung number 1 at 3.

11pm new year's eve nang tumawag sa kin si doc bruks para sabihin isinugod ni nanay ang sarili nya sa kanilang clinic/house, complaining of her painful chest. sa balitang yan, nagmedya noche kami ni fafaden na luhaan, torn whether to go to paco or stay at home where one should be at the start of a new year, para daw buong taon eh homebound palagi. tantiya ni doc par, doc bruk's dad, eh pneumonia ang sakit ni mader. at dahil ubo sya ng ubo, sumakit ng husto ang kanyang dibdib. with doc bru's assurance, nagstay na lang kami ni fafaden sa bahay, okay naman na daw si maderhood at baka na-tension lang. sila lang kasi ni fadergoose sa bahay at as useless, si ama ay nasa kapitbahay at nakikipaghapihapi. sabi ko, punta na lang kami sa paco, jan 1 ng umaga.

pagdating namin sa paco, nakahiga si nanay sa sofa, slow mo ang movement dahil medyo nanghihina pa from her previous night's ordeal. di ko alam kung san ko ibe-blame yung sakit nya pero alam kong number one factor yung yosi. maliit pa lang kasi ako eh yosi people na sila ni fader. eh kanino pa nga ba ko magmamana? simula ata nung matuto akong mautusan sa tindahan eh ako na ang nagsisindi ng mga yosi nila. ako naman, excited. minsan pag magsisindi si nanay ng yosi, magvo-volunteer pa kong ako na lang. tsk. hanep no?

bukod dito, si nanay lang ang nagtatrabaho sa bahay at malaking bagay din yun. si ate kasi, minsan ang sarap bigyan ng isang malufet na sipa sa pwet palabas ng bahay. (nakapisan sila ng asawa at anak nya sa mga magulang ko) minsan kasi si nanay pa ang naglalaba ng damit ng anak nya, at ayaw pang ipagamit ang washing machine ha! malakas daw sa kuryente, samantalang sya ay araw-araw namamalantsa ng damit na gagamitin ng asawa nya. as if naman sya ang nagbabayad ng kuryente, tubig, etc. yung padala ni daisy buwan-buwan mula sa pagtatrabaho nya sa barko ang tumutustos sa gastos nila sa bahay. tsk. pati paglilinis ng bahay, si nanay pa rin. sabagay, yun nga lang pagliligpit ng mga laruan ng anak nya eh di nya pa magawa ng hindi nakakunot ang noo nya eh aasahan ko pa bang magkusa sya sa gawaing bahay? isa pa, sa kupad nyang kumilos, lamang pa pakikipagkwentuhan kesa sa anumang ginagawa nya, sasabihin mo ngang: ako na lang! biruin mo ha, magsisimulang maglaba yan ng umaga, aba'y madilim na eh hindi pa tapos! kaya nga ba kahit mahirap magbayad ng rent, kuryente at ilaw eh pinili namin ni fafaden na bumukod. mahirap ang may kapisan sa bahay, mahirap din ang mamihasa, at namihasa na nga ang ate ko. dagdag mo pa yung bwakanang ewan nyang asawa. joskopolord.

kaya ayan na nga, si madergoose ay tinamaan na ng pneumonia. yan din ang sakit ng nanay nya, actually, yan ang sakit ng pamilya nila. si nanay cheding, nanay ni nanay, ay may COPD, chronic obstructive pulmonary disease. asteeg no? chronic. ako naman, some ten years back eh nagkatubig na ang lungs ko. opo, kaya nga po hindi na ko pake-pakete magyosi. minsanan na lang, pag na-toma, hehe. aba'y anim na buwang gamutan yun ha! di iba sa gamutan ng may tb. naka steroids ako nun! naranasan mo na bang uminom ng 10 tabletas/capsules ng iba't ibang klaseng gamot sa isang inuman? asteeg diba? kahit masuka-suka na ko, wala akong choice kundi lunukin lahat ng mga makukulay at ibat' ibang hugis na mga gamot na yun, di rin kasi biro ang presyo nila. tsk.

bago ko hiningi yung reseta ni nanay, sinermunan ko muna sya. kako, dapat kasi nagiipon man lang sila kahit maliit na portion dun sa pinadadala ni daisy. kung bakit kako, noon naman, wala kaming inaasahang buwanang padala eh nakakaraos kami, at ngayong meron eh hindi man lang makapagtabi kahit konti. yan tuloy, pag may mga ganyang pagkakagastusan eh di mawari kung san kukuha ng panggastos. eh pero ano pa nga ba ang magagawa ko, kung walang ipon, eh wala talaga. hiningi ko na rin yung reseta nya, kako, ako na ang bibili ng gamot.

pagdating ko sa botica, namfotah! P140 ang isa??? goodnessgracious! wala ba kakong generic yun? wala bang mas mura? wala daw. at dahil hindi pwedeng hindi sya uminom, at wala namang ibang aako ng gastos, buy na rin ako. si fafaden, hindi na umimik. kung uulitin ko lang din kasi sa kanya ang litanya ko tungkol sa hindi pagse-save ni nanay at ate ng kahit kaunti dun sa perang pinadadala ni daisy eh baka batukan lang ako ni fafaden.

naisip ko tuloy, tong gamot ni nanay, wala pa to ni katiting sa mga ginagastos ng ibang taong may sakit na hindi naman nila kasalanan kung bakit sila nagkaroon, gaya ng cancer. at itong sakit ni nanay, kahit na nananalaytay sa dugo at genes namin eh maaari naman iwasan. naisip ko na lang din na kung walang ginawa si nanay (o kami) para maiwasan tong sakit nya, may magagawa pa naman kami para magamot ito.

nung isang araw, jan 4, bday ni maderhood kaya sa paco ako natulog. nakapagpa-xray na pala sya. confirmed, pneumonia nga. pero higit pa rito, meron na rin syang onset ng emphysema. gandang bungad ng taon di ba?

matindi-tinding gamutan ito. hindi na ko magrereklamo. kung meron lang din naman akong iko-contribute para sa ikagagaling nya, bakit ako magrereklamo diba? alam ko naman, gagaling din si maderhood. alam ko yun.

oooOOOooo


kanina, habang naghahanap ako ng isang lost recipe file sa aking zip disc, nakita ko tong mga pictures na to. tingnan mo nga naman, kahit na flooded ako ng mga worries eh may mga bagay pa ring siguradong makakapagpasaya sa kin... bukod pa sa kasiguruhang gagaling si nanay at pagpawi ng worries ko sa number 1 at 3.



gashes, ang duet namin ni fafa john lennon sa finkfad.
and look at my hair! short hair!


kakamiss na si tich at ang dating resource...


banned pa kaya kami sa mcdo sa un ave? heeheehee.


ayus.


feb 14 2004. up fair. asteeg.


the wet drunks of lucban. easter 2004.


ccp, may 2004. exhibit of the deads. ngiii...


sidebar. kakamiss din pala ang amoy ng yosi
sa damit at buhok at buong katawan mo,
pagtapos mong malasing sa toma at katatawa sa sidebar...


si dico. bow.


aww... date-date kami ni fafaden. yiheee...


ayan, nasakal na, este, nakasal na ng sibil. feb 22, 2004.


at nakasal na rin sa simbahan. sept 14, 2004.



nagve-vent out lang naman po ako. i am still constantly counting my blessings. :) vent ulet bukas, hehe.

Tuesday, January 04, 2005

happy

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!!!


happy birthday,
NANAY!!!
(jan. 4)


happy birthday,
TATAY!!!
(jan. 6)


ay lab yu sa inyong dalawa.