Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Tuesday, February 22, 2005

ay lab yu, fafaden



isang taon na ang nakalipas nung may ministrong nagpunta sa bahay namin, suot nya ay puting charol na sapatos, at ikinasal nya kami ni dennis.

happy 1st anniversary, fafaden.


mas higit akong masaya sa bawat araw na kapiling kita.

... well, figuratively. :)





Thursday, February 17, 2005

lihi


fafaden: Den, antok na antok ako, kahapon pa. Pgsakay ko pa lang s bus.
mamadeens: Talaga? Hala ka, baka ikaw ang naglilihi.
fafaden: D ko nga alam e. Pgdating ko d2 s gapo, nghahanap ako ng somthing maalat tas kgabi bumili ako ng potato chips, vcut, oishi. D ko nman kinain. Weird.


Monday, February 14, 2005

positively...


happy...

please help me pray for a safe and healthy pregnancy.

thank you. :)

Friday, February 11, 2005

kaya mo bang manapak ng pari?

nagsimba kami ni mabs nung wednesday para magpa-abo. bago pala ang aming parish priest, may pakana ng pinakabagong beautification ng aming matanda-tanda na ring simbahan na di na rin naman natigil ang renovation sa tuwing magpapalit ng pari. dapat kasabay namin dad nya, si doc, ang syang aming punong barangay pero sabi ni mabs, ayaw daw nga pala magsimba ni doc dun dahil di daw maganda ang ugali nung paring bago.

may kung ilang beses na rin daw kasing dumulog ang ilang grupo ng simbahan kay doc. nais nilang ipetition ang bagong pari. sabi ng ate ko, treasurer ng barangay namin, kung may sampung orgs daw sa simbahan eh ni ha ni hong tinanggal ni paring bago ang karamahin at nagtira lang ng iilan. sa tagal na rin namang nagsisilbi ng mga taong tinanggal nya sa simbahan, natural lang na nasaktan sila. matagal na sila dun. si paring bago, eh bago nga.

bukod pa rito, ang aming barangay hall ay ay nag-iisang barangay hall on wheels sa buong pilipinas. nung nagpakabit si meyor ng pare-parehong lamp posts sa paligid ng mga simbahan, eh kinailangang ilipat ng pwesto ang mobile hall. originally, nakapwesto kasi ito sa gilid ng simbahan, ilang pari na ang nakalipas bago pa dito kay paring bago. isang lugar na walang naabala, strategic din dahil nadaraanan ng halos lahat, accessible ba. so ngayon, nais nang ibalik ni doc ang mobile hall doon. ngunit sa ilang ulit na nakipag communicate ni doc kay paring bago para sa layuning ito, ni isang beses, hindi sumagot si paring bago. in short ayaw nya daw ipabalik ang barangay hall doon. dahil dito, nagdesisyon si doc na ibalik pa rin ang mobile hall dahil ayaw namang makipag-communicate ni paring bago. in the first place, hindi naman nya pag-aari ang lugar kung saan ilalagay ang hall.

kahapon, nag-people power ang buong barangay upang ibyahe ang mobile hall pabalik sa original nyang pwesto. habang tinutulak nila ang mobile hall, katuwaan pang kumakanta ang mga tao na akala mo ay may prusisyon. kasama ni doc ang dalawa pang kalapit na punong barangay, support ba. pagdating sa simbahan, at nung ipupwesto na ang hall, mula sa parking space ni paring bago sa loob ng simbahan ay humarurot palabas ang crosswind na minamaneho ni paring bago at pabalandrang pumarada sa kung saan dapat ilalagay ang mobile hall. sa bilis ng paandar ni paring bago nabundol niya ang isa sa mga nagtutulak na tao, humampas sa pader ang tao. muntik pang madamay ang isa pa kundi biglaang pumreno ang paring bago sabay sa pag-ingit ng kanyang mga gulong.

labas si paring bago. nagdadadakdak. hindi daw pwedeng ialagay dun ang barangay hall. tinanong sya kung anong dahilang at hindi pwede. sabi nya: basta, ayoko! kundi pa pinigilan ni doc ang mga nag-iinit na tao, malamang bugbog sarado si paring bago.

sayang.

sa bintana ng paring bago, may kumukuha ng video. sana nakunan nya yung pagkakabundol ni paring bago dun sa tao at muntik sa isa pa. pati na rin ang mga antics ng paring bago. para syang tanga. aanhin nya ba ang lugar na yon? gusto ba nyang ipa-extend ang kanyang suite na usap-usapan ay ang secretary nya lang ang nakakapasok bukod sa kanya kaya ayaw nyang ipa-parada dun ang mobile hall? o dahil mababawasan ang kita ng simbahan dahil merong umupa dun na isang food stall na walang permit mula sa barangay o sa city hall? hmmmmmm....

kung ka-barangay kita, ano ang gagawin mo? kaya mo bang manapak ng pari?

ako, oo.

Sunday, February 06, 2005

sana nga po...

ako ay merong lihim
hindi ko sasabihin
ngunit kung pipilitin
sasabihin ko rin...

...pero next week na para sure.

hehe.




Thursday, February 03, 2005

paalam...

kulang na lang mamaos
para iparinig sa yong excited sya
pagdating mo sa bahay.

masaya na sya
makita ka lang na naglalakad sa opis.

titig na titig, hindi nagsasawa
sa kamamasid sa mukha mo.

kahit minsan pasaway
nakaharang sa daraanan.

ilang buwan din yun.
ilang larawan din ang kinunan.

di mo matatawaran
ang panahong pinagsamahan nyo.
di mapapantayan ng kahit anong bagay

o kahit sinong tao.

paalam, bailey.
paalam, meeming.

i'm sure
masaya dyan sa animal heaven.


*bailey par died of suspected leptospirosis which he got when he was supposedly bitten by a rat which attacked him one night.
*meeming museo died while crossing the street, hit by a car.