Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Wednesday, October 19, 2005

sipon

ang sakit ng ulo sa sobrang sipon. as in. tas di naman pwedeng uminom basta-basta ng gamot.

kahapon, tinext ko si tita abel, ang aking tita/ob para itanong kung pwede naman kahit anong gamot dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. yung sipon ko, ayaw lumabas, nakatambay somewhere between the back of my nasal passage and my throat. hassle. tas parang intensity 10 earthquake ang feeling ko everytime i get up dahil sa sakit ng ulo ako at hilo. hay.

so, eniweys, sabi nya mag-decolgen daw ako isang beses lang at kung sobrang sakit lang daw talaga ng ulo. pinabili nya din ako ng drixine nasal spray, pero mamaya pa lang makakabili si odet.

nawala yung sakit ng ulo ko kahapon kasi uminom na ako ng decolgen isang beses.

kahapon yun.

eh masakit na naman ang ulo ko ngayon. as in.

pano yan?

Saturday, October 15, 2005

resignations

hi, guys! musta na kayo? namiss ko nang sumulat dito sa blog ko, in fact last sunday ko pa dinadraft sa utak ko tong post na to. dami kong gustong isulat, sa sobrang dami na ng mga nangyari sa buhay ko since i last wrote a real entry here. pero ngayong nakaharap na ko sa computer, parang hindi ko na alam kung papano magsisimula.

teka, bakit nga pala resignations ang title ng post ko?

wala lang. feeling ko kasi, sa tuwing may nangyayari sa buhay natin, laging may finality diba? laging may resignation sa mga kinahihinatnan sa mismong oras na naeexperience natin yung bagay na yun. ibig sabihin, tinatanggap natin na yun nga ang end result ng kung ano mang pangyayari. we always resign to that fact.

marami akong resignations ngayon. ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

i have resigned to the fact na high risk pregnancy ako. maraming dapat igive up para ma-save si baby. i am a bit more than 3 weeks pregnant to date. di nyo lang alam ang nararamdaman namin ni fafaden ngayon. magkahalong tuwa (sobra-sobra) at pangamba, dala na rin siguro sa nakaraang pagbubuntis ko na humantong sa isang miscarriage last march. yep, high risk ako magbuntis. maselan. sobrang pag-iingat ang kailangan. nakakalungkot pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi mag-ingat na talagang mabuti this time.

i have resigned from work. dahil na nga rin kasi sa maselan kong pagbubuntis, kailangan kong magbedrest nung unang 2-3 months ng pagbubuntis ko. hindi naman pwedeng mag indefinite leave sa trabaho ko kaya yun.

i have resigned to the fact that i am a bit depressed right now. three months na akong house arrest. ako na dati ay ni hindi mo mahagilap dahil kung saan-saang lupalop ako napapadpad. ako na kahit weekends ay di natitigil sa bahay dahil may mga gawaing walang kinalaman sa trabaho ko. ako na may kung ilang ulit pang naunahan ni fafaden pag uwi sa bahay gayong galing sya sa olongapo. ako na kahit anong excuse meron para lang hindi magtigil sa bahay, may pera man o wala... tapos ngayon, nakatengga ako most of the time sa bahay.... ok lang talaga sana... kung araw-araw man lang nakakasama ko si fafaden, batsa nakikita ko sya araw-araw. kaso hindi pwede...


actually, sa melancholic tono ng post na to, talagang gusto ko lang isulat na depressed talaga ako ngayon...

yan tinatamad na tuloy ako magsulat.

hay, nakakainis...