Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Sunday, November 20, 2005

hakuna matata

Hakuna Matata!
What a wonderful phrase
Hakuna Matata!
Ain't no passing craze
It means no worries
For the rest of your days
It's our problem-free
Philosophy
Hakuna Matata!


from the animated film the lion king.


ooOOOooo


okay si baby! at five months, 13 oz na sya! yey! sabi nung sonologist, okay naman daw ang size nya for that age. 163 ang heartbeat nya per minute! ang bilis! at ang likot-likot nya! woohoo!!!

di pa namin alam kung girl or boy kasi shy ata ang baby namin pero oks lang! sobrang saya na namin ni fafaden to see and know our baby is well!

thank you, LORD!

oooOOOooo

ay, oo nga pala! asteeg ang harry potter and the goblet of fire! dahil nagmature na ang ating mga bida, pang matanda na rin ang mga suspense at exciting eksenas! hehe, naiskerd ako sa ilalim ng lake at sa maze, pramis!

order of the phoenix naman....







Friday, November 18, 2005

nag-aalala

after my miscarriage last march, masyado na talaga akong nag-aalala. konting sakit lang na maramdaman ko, natatakot na ko. konting sakit ng balakang, halos maiyak na ko sa worry. para bang lahat ng masakit o kakaibang feeling eh ninenerbyos ako...

hindi dapat ako ganito kasi nag-aalala din si fafaden. higit sa lahat, nararamdaman din ni baby ang nararamadaman ko...

promise, i'll try not to worry (too much) anymore.

at para mawala ang worry ko, magpapaultrasound kami bukas. we wanna see how baby is doing, masyado kasi syang malikot, we wanna watch baby play inside my tummy. hopefully din, malaman na namin kung girl or boy. :)

***pero, dear Lord, girl man or boy, it really doesn't matter. all we ask is a normal and healthy baby. thank you po.***

Tuesday, November 15, 2005

my stories


fafaden and i got this book for odet's bday last week. she said this is what she wanted, when i asked her.

it's a compilation of stories experienced and written by some 30 personalities, some famous, some famous to some. all very inspirational.

glad we got it for odet. read it last night. glad i did.


oooOOOooo

sa ibayong dagat... nag premiere na ang harry potter and the goblet of fire movie sa america. bukas dito naman. ewan ko lang kung may mga advanced screening dito at meron nang nakapanood kagabi o nung isang araw or whatever. basta ang alam ko, sa linggo pa ko makakapanood. kasabay ng sandamukal at maiingay na mga batang sasabay sa kin dahil family day yun.

pero teka, di ba pg-13? yahu, minus the maiingay na kids, salamat naman.

hay, mamimiss ko ang first day of showing. not that i've seen the previous three movies on its first showing days pero wala lang. gusto lang ko sana mapanood agad kasi hindi naman masyadong obvious na excited ako...

naalala ko tuloy yung first day of showing ng lord of the rings-return of the king. sabi-sabi namin nila chie at des na hinding-hindi kami manonood sa first showing day dahil siguradong sandamakmak ang sangkatauhang manonood. yabang pa namin. feeling namin kunwari makakatiis kami! kaya pala nung last full show ng unang araw eh sumugod din kami sa rob place at nakipagsiksikan sa mainit na pizza pie!!! nyahahaha. para kaming engots.

tas pagtapos ng pelikula, para na naman kaming mga engots lalo habang tinatawid namin ang kalaparan ng roxas blvd pauwi sa feenk fad ni des sa museo...

hay, those were the days...

oooOOOooo


ayon nga pala kay chie, opening ng art-artan ni carlo gabuco mamaya sa mag:net gallery sa paseo. syempre out na naman ako. kakamiss na talaga yung mga gabing lagi tayong magkakasama sa mga tambayan ng mga artists at feeling artists (gaya ko) no, chie? des? les (musta korea?)? pati na rin si tich? odet? malen? laya? mark? musta na nga ba ang tm? buhay pa ba? miss ko na makakita ng mga kakaibang exhibits! tas magsa-sidebar after, hehe.

those were the days talaga... di bale, mauulit pa yan, i know.

punta kayo sa art exhibiit, magaling yan si carlo. :)

Sunday, November 13, 2005

regalong pamasko

since wala naman akong ginagawa araw-araw other than matulog, kumain, manood ng tv, magbasa, kumain, matulog muli, in short, magbuhay bum (hehe), i might as well do something productive kesa mabundat na lang kami ni baby at mag overweight kami pareho.

so. naisipan kong gumawa ng mga personalized na xmas gifts para sa aking mga mahal sa buhay. a little something made with so much love... yep, krismas na kasi eh. at dahil mahilig naman akong gumawa ng mga anik-anik na butingtingin, bags galore ang naisipan kong xmas give aways. eto ang picture ng basic bags. i plan to put something kikay or art-art on it pero saka na, la pa kong lakas ng loob na magliwaliw sa divi para sa materials. sigh.

dalawa kami ni odet sa project na ito. in fact, sya ang maswerteng nagpunta sa divi para bilhin ang mga tela at iba pang materials. i think she intends to put beads on them, ako siguro something mas madali ng konti at hindi ko sasabihin sa inyo kung ano kasi baka mabasa mo, eh di malalaman mo. di ba, chie?

kay odet yung pouch, sa kin yung mini-bags. naka 4 mini bags na ko and 2 pouches since i started last night. mas marami na sana kaso sobrang init, nakakatamad.

and, no, kat, these aren't cheap gifts. priceless to. at dahil sinabi mong 'tipid' ang xmas gifts ko, hindi kita bibigyan.

Monday, November 07, 2005

nagrerebyuh!


gash. dahil malapit nang ipalabas ang 4th installment ng harry potter movie, nirerebyu ko na ang libro. eh, sa totoo lang, ilang beses ko na rin naman ito nabasa pero feeling ko lang mas mabuting basahin ko ulit para wala akong mamiss na mga eksena. after prisoner of azkaban, itong goblet ang next favorite ko so far sa anim na books ni harry. engot pa nga ko nun kasi di ko pa nababasa yung 3, binasa ko na to, sa sobrang excitement, saka dahil ito yung available. (wala akong kopya at eto lang ang mahihiram ko dat taym) nalaman ko tuloy agad ang tungkol kay pareng sirius, pero oks lang. asteeg pa rin yung 3 nung nabasa ko, kahit nauna yung 4...

ilang araw na lang... excitement.

Sunday, November 06, 2005

dico tababoy