Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Tuesday, June 29, 2004

ice cream

You are Ice Cream

You
are Ice Cream


You're madly in love, cheerful, and carefree. Life couldn't get
any better than this!


Which
Sarah McLachlan Song Are You?


Created by Noor

betamax

naka beta na ang ym ko. yahoo!

now i can share pics without even having to send file or email them. may radio pa ko while chatting. tingnan mo nga naman ano.

oongapala, 100mb na rin ang y! email ngayon. san ka pa nga naman talaga! now i can receive and store as many pics as you want to email me! hehe! and speaking of pics you wanna email me, here's a pic of my friend rose's prettyful daughter, andie. inaanak ko sya. buti na lang at nasa dubai silang mag-ina kaya nakakatipid ang lola mo sa regalo. nyehehe. kuripot!



baklang-bakla naman ang posing mo, ineng! manang-mana ka sa iyong mommy! asus! miss ko na kayo....


Sunday, June 27, 2004

who rocked the gig?

bamboo rocked the gig.

kahit pa umulan. kahit pa palpak yung crowd control. kahit pa they should've just closed both the north and south bound traffic ng roxas blvd fronting the gig area. kahit pa andaming nakakatakot na panks nat ded dun sa camp green (rock and reggae). kahit pa nagkawalaan kami ni des kasi nahiwalay sya on the way to camp yellow. kahit pa sumakit ang paa ko katatayo sa ulanan. kahit pa we had to walk from and to museo where we parked the car. kahit pa di kami nakapagbabay kina jen when we went home. kahit pa na-miss ni odet yung gig although sayang talaga. kahit pa kinanta ng rivermaya yung awit ng kabataan saka elisi dahil original naman nila yun. kahit pa hinatak ako nung isang cutiepie sa pag-aakalang ako yung tropa nya at nanlaki ang mata nung paglingon nya at ako ang nakita nya (dahil parang highschool student lang sya at nakahila sya ng lola, haha). kahit pa 30 na ko sa december at kasabay kong nagheadbang ang mga taong obvious namang di ko ka-era. kahit pa gutom na kami kasi nag-skip kami ng dinner dahil di pa kami gutom nung time na dapat e magdi-dinner kami. kahit pa pa-importante ang rivermaya dahil sikat na sila. kahit pa kapuso talaga ako at hindi kabarkada. (nyahaha!) kahit pa na-miss ko yung fireworks (awwww...) at yung fireworks ng dalawang tao dyan... (yiheee!)

at kahit pa na miss namin yung ilang songs ng bamboo. ayus lang.

bamboo rocked the gig.

--------

the GIG was baybreak. sponsored by the abs-cbn group of tv stations and music shows. there were a lot of bands, musicians and artists who strutted their stuff last rainy saturday (june 26) night, atop five or so stages they set up along the baywalk area of roxas blvd.

Thursday, June 24, 2004

walang pasok

sa maynila located ang opis ko, at dahil araw ng maynila ngayon, wala kaming pasok kanina. kami reads me and my boss. total=2.

nanood ako ng tv. variety show. kasi yung classmate ni paperback writer kasali sa isang papogian contest kaya tinext nya kami to watch the show. gusto ko lang naman makita yung classmate nya eh, kaya ako nanood.

di ako nakatagal. nakakasuka yung mga hosts. nagpapakamasa, nagpapakabaduy para maabot ang masa. aba'y masasapak ko sila sa mga arte nila.

dinah's most hated artista(s):

1. CA
2. MF

wala namang bearing sa kanila if i hate them with a passion. ang sa kin lang, nakakabwiset talaga sila. so sad.

--------

on a sadder note...

dico is still in the hospital. tinamaan na ata ng sakit ng pamilya namin sa mother side. respiratory ailment.

sana labas na sya bukas. :(

Wednesday, June 23, 2004

kwestyuns galuuuuurrr!!!

inggit ako kay chie eh. post ko na rin to...nakuha ko sa isa pang blog. (tenkyupo!)


ANG UNA KONG INIISIP PAGKAGISING KO AY
Anong oras na?!

--------------------------------------------------------------------------------

ANG UNA KONG GINAGAWA PAGKAGISING AY
minumulat ko ang aking mga mata. tas tutulog ulit. payb minutes.

--------------------------------------------------------------------------------

PAGKUMAKANTA AKO SA BANYO, KINAKANTA KO ANG
mga awiting kasalukuyang lss. walang namang peborit. basta kung ano lang ang lss ko dat time.

--------------------------------------------------------------------------------

HINDI AKO MAGALING MAGLUTO PERO EXPERT AKO SA PAGLULUTO NG
ispageti at kare-kare

--------------------------------------------------------------------------------

KAPAG WALA AKO MAGAWA AKO AY
nagbabasa, nakikinig nang musika, nanonood ng tv, natutulog o kaya'y tumutunganga.

--------------------------------------------------------------------------------

KAPAG NATUTULOG, MADALAS KONG NAPAPANAGINIPAN
na ako'y hinahabol ng mga naglilipanang aswang, bampira, manananggal tas pipilitin kong gumising at pagnagising nga ako'y pagkalakas-lakas ng kabog ng dibdib ko.

--------------------------------------------------------------------------------

KAPAG NAKAKAKITA AKO NG PAGKAIN AKO AY
natatakam. takaw-tingin ba. pero matakaw din talaga ko.

--------------------------------------------------------------------------------

NAIIYAK AKO KAPAG
merong mga overwhelming na pangyayari na hindi kayang sabihin. lungkot, galit, tuwa, pagmamahal. lalo na yung pag may namimiss kang tao o bagay at alam mong imposibleng makapiling sya sa mga panahong iyon.

--------------------------------------------------------------------------------

NAIINIS AKO KAPAG
hindi magkandaugaga si mam sa kakautos sa kin ng kung anu-ano gayung di pa ko tapos sa mga nauna nyang inutos tas magmamadali sya. shyet na malagket.

--------------------------------------------------------------------------------

NATATAWA AKO KAPAG
may mga bagay na walang kakwenta-kwenta pero nakakatawa. tas sasabayan ka pa sa pagtawa ng mga mababaw ring tao na kagaya mo.

--------------------------------------------------------------------------------

NAGAGALIT AKO KAPAG
alam mo na ngang crush ko yun tas sasawsaw ka pa. yung tipong kokornerin mo pa yung kras ko tas chichikahin mo to death na dapat kayo ang maging close! and to think na kaibigan kita ha! saka nakakainis din yung mga taong akala mo kayang mong sindakin tas ikaw pala ang masisindak, hehe. angas ko kasi eh.

--------------------------------------------------------------------------------

KINIKILIG AKO KAPAG
nagseselos-selos si fafaden. and mind you, minsanan lang yan sa isang asul na buwan.

--------------------------------------------------------------------------------

ALAM NIYONG TINAMAAN NA AKO PAG
bukambibig ko ang pangalan nya at ang mga kutsi-kutsing bagay na feeling ko ginagawa nya para sa kin at para sa kin lang, hehe.

--------------------------------------------------------------------------------

ALAM NIYONG BADTRIP AKO KAPAG
either tokisless at pataas-taas ang kilay ko sabay kunwari deadma or mura ko ng mura.

--------------------------------------------------------------------------------

ANG PANGARAP KO SA BUHAY AY
magkaroon ng sariling bahay, maayos na pamilya, mabuting mga anak. mapatapos silang lahat sa kolehiyo at tumanda kaming masaya at magkasama ni fafaden... saka...secret.

--------------------------------------------------------------------------------

MAYABANG NA KUNG MAYABANG PERO
da best talaga si fafaden :D

--------------------------------------------------------------------------------

HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT
may mga taong nakakagalit. (see above why i get galit, okay?)

--------------------------------------------------------------------------------

KAPAG LAHAT NG MASAMA AY NANGYARI NA ANG MASASABI KO NA LANG AY
joskopolord, kaw na po ang bahala.

--------------------------------------------------------------------------------

GUSTO KONG ____PERO HINDI KO MAGAWA.
hindi kumain para lang pumayat in time for my big day

--------------------------------------------------------------------------------

KAPAG NAGKAPERA AKO, BIBILI AKO NG...
isang dermclinic para libre liposuction. nyahaha.

--------------------------------------------------------------------------------

ANG PALAGI KONG INIISIP AY
papayat kaya ako bago ang kasal?

--------------------------------------------------------------------------------

GUSTO KONG KAUSAPIN
si jrr tolkien

AT SABIHIN NA
sir, what's the real score between frodo and sam? how about merry and pippin? aragorn ang legolas? triangle ba sila nina gimli? ano? say ka ng true!

--------------------------------------------------------------------------------

GUSTO KONG SAMPALIN SI
...

DAHIL

nakakagalit sya. see above ulet for the reason why i get galit, hehehe.

--------------------------------------------------------------------------------

KUNG AKO ANG LILIGAWAN, GUSTO KONG MAKATANGGAP NG
flowers. hindi chicharon at kalabasa ha.

--------------------------------------------------------------------------------

MAPAPATAWAD LANG KITA KAPAG
maramdaman ko lang na sincere yung apology mo. tas may peace offering kang pagkain, oks na yun, hehe!

--------------------------------------------------------------------------------

MALALAMAN MONG MAHAL NA KITA KAPAG
sinabi ko.
--------------------------------------------------------------------------------

Tuesday, June 22, 2004

rated


My life is rated NC-17.


and i can't even live my life. i'm only 12. hehe.

What is your life rated?

Monday, June 21, 2004

i'm so officially back blogging

wala eh, hindi makatiis. besides, i need the therapy, especially with the wedding preparation ups and downs, mukhang mas dadalas pa nga ang blogging ko.

from last night's conference with two good friends, i was able to sleep okay, despite my really heavy sunday. told them i hope there's bagyo tomorrow para walang pasok, but chie needs to work daw monday dahil dami nya work. si les naman, naka-"leave". uy, thanks, you two.

anyways, it rained really hard this morning, but not long enuff for work or classes to be cancelled. i think it's God's way of telling me: I heard you, Dinah. I'm listening. Thank you, God.

odette and i left the house sabay. the cool breeze was a delight and we were both happy. medyo mahirap nga lang sumakay ng bus kasi nga monday at umulan, i guess everyone was running a little late this morning, including me.

monday and raining. rainy days and mondays. made me think of this song, nope, not the one by the carpenters but by boomtown rats.

--------
i don't like mondays
boomtown rats
from the album: unknown album

The silicon chip inside her head
Gets switched to overload,
And nobody's gonna go to school today,
She's going to make them stay at home,
And daddy doesn't understand it,
He always said she was as good as gold,
And he can see no reason
Cos there are no reasons
What reason do you need to be shown

Tell me why
I Don't like Mondays
I want to shoot
The whole day down

The Telex machine is kept so clean
As it types to a waiting world,
And Mother feels so shocked,
Father's world is rocked,
And their thoughts turn to
Their own little girl
Sweet 16 ain't that peachy keen,
No, it ain't so neat to admit defeat,
They can see no reasons
Cos there are no reasons
What reason do you need to be shown

Tell me why ...

All the playing's stopped in the playground now
She wants to play with her toys a while
And school's out early and soon we'll be learning
And the lesson today is how to die,
And then the bullhorn crackles,
And the captain crackles,
With the problems and the how's and why's
And he can see no reasons
Cos there are no reasons
What reason do you need to die

The silicon chip ...

Tell me why ...

--------

i'm so officially back blogging. and i'm so talking colegiala...
and it feels soooo good.

Sunday, June 20, 2004

blogging when i shouldn't be

kailangan kong mag-unload.

dico is in the hospital na naman. dehydration na naman. he was hospitalized last year due to diarrhea which also resulted to dehydration. it was one of the days of my life na ayoko na sanang maulit pa but here it is again.

sabi ni dennis kanina, sabi daw nung isang kaopisina nya: masarap magka-anak, ang mahirap yung pagnagkakasakit ang anak mo. how true. at pamangkin ko pa lang yun, pano kaya kung akin na talaga?

dico, pagaling ka na ha. gusto ko paguwi ko bukas sasalubungin mo na ko.


taken june 4, 2004, on my bed, in my room

--------

my friend kim left for the US just a few hours ago. and i didn't know he was leaving til he texted me, i think on board his plane already. hindi naman ako nabigla, medyo nalungkot lang ng matindi. alam kong it's finally a dream come true for him and i should be happy...and i am. kaya lang, sana nakita ko man lang muna sya bago sya umalis, na hug ko man lang at na-good luck in person. i was actually thinking about making him groom's man for my church wedding kaso i didn't know okay na pala visa nya. i was really hoping to see him attend my wedding.

anyways, good luck, bro. alam kong masaya ka ngayon, ako din. at kung sinabi mong: i'll be missing you, sis!, ganun din ako sayo.

--------

one very dear friend's decision brought me so much sadness today that i cried buckets before dennis left for subic. i know it is not your fault and i really feel bad about your situation. it's just that somehow i have this teeny weeny ugly feeling you're getting even with me. and it's just so sad.

you know i understand and you know why i don't.

--------

den, i'm just so happy you're my husband. thank you for taking care of me. iloveyouverymuch.

-------

happy father's day tatay and papa. at sa lahat ng mga ama.

Tuesday, June 15, 2004

photo blog

di makatiis. fotoblog lang muna,hehehe.

yan, table ko sa opees. see my lotr tumbler and my notepad from tich.



--------

went to punta fuego in nasugbu, batangas, june 5-6, 2004.

lunch view (dalampasigan resto somewhere in batangas)



bagyo ang sumalubong, bagyo ang nagbabay.



viewtiful cliffside hauseses.




infinity pool. sooper astig!




at night...



sya yun lang.

Sunday, June 13, 2004

signing off...

...for while.

walang paliwanag.

mamimiss ko kayo, mamiss nyo kaya ako? babalik ako, pero sa ngayon, break muna ang nanay eebil sa mga kaeebilan nya.

text nyo ko, tawag, email, pero wala munang blogs for me.

...for a while.

Thursday, June 10, 2004

had fan in jafan, den?

i want to blog about dennis' homecoming today i'm all thumbs! sheeesh! can't wait to go home today! i can't wait to see dennis and hug him and kiss him and cuddle him and snuggle with him...

gash! june 10 has finally arrived!

--------

p.s.

windang ako ngayon. pasado alas diyes na, wala pa kong nagagawa sa opis kundi mag blog at maki-chat sa magkapatid na sales. hehehe. kanina nga nung nag-eempake ako ng mga dadalhin kila dennis, running late as usual kahit nagising ako two hours before my alarm, hindi ko rin naayos ang mga gamit ko. sinaksak kong lahat sa backpack, kako sa opis ko na lang aayusin. kaya ayan, nakasalpak pa rin sila sa backpack ko, untouched.


Tuesday, June 08, 2004

dat paking jipni drayber

late ako for work. oo, as usual. pero this time, one of the rarest, di ko 'masyadong' fault.

da paking jipni drayber of the jeep i took had to wait two stop signs to pick up pasaheros. tangina.

sabi ko sa sarili ko, hamo na, trabaho nya yan eh, mamasada, mamik-ap ng pasahero. kung umalis ka ng maaga, di ka sana late kahit pa limang stop signs ang hintayin nyang mag-go. tas bigla ko ring naisip, tangina, who am i kidding?"

oo nga, trabaho nyang mamasada at mamik-ap ng pasahero pero hindi anytime at anywhere. at iskyusmi lang noh. bago kayo sumekendamowsyon sa aking unang talking to myself line, nakahinto kami kanto na kung saan eh pwedeng mag-turn right anytime with care. imagine-in mo na lang ang mga businang sinalo ng tenga ko kaninang umaga.

pak yu mamang drayber! pasalamat ka late din si mam! grrr!

--------

on a lighter note, dahil sa paking drayber na yan eh naalala ko yung isang strip ng pugad baboy

dagul: (talking to the talking dog, polgas while wrapping a package) nasan ba yung packing tape?
polgas: (pointing) andyan sa packing toolbox.
dagul: niloloko mo ba ko?
polgas: packaging tape kasi, boss.

(with pasasalamats to pmjr)

blog adeek

tantananaaaaan!!! presenting the newest kid on the block:

eebilboiasteeg! wooohooooo!!!!

welkam! welkam, kuya eebil! nawa'y punuuin mo rin ng mga nakaaaliw, nakakatawa, minsang nakakaasar, minsang nakakainis at minsang walang kwentang entries ang iyong sariling espasyo sa malawak na mundo ng internet! o, walang bentahan ng mukha ha! ehehe!

asteeeg!

Thursday, June 03, 2004

happy birthday, DICO!!!

my nephew turned two last may 31 and i totally forgot to blog about it. lagi na lang akong nagmimiss ng birthday blogs. how sad.

anyways, dalawang taon na akong tita.

nung pinanganak si dico, i was not home but in baguio conducting a job fair. i remember being really excited to see him when i was told na nanganak na si ate. feeling ko nun. we finally have a baby to take care of na sa amin talaga. usually kasi, nakikihiram lang kami ng mga babies sa mga pinsan or kapitbahay para meron kaming laruan sa bahay (hehe!)

ang liit-liit ni dico nun! tas ang itim-itim, tas kalbo (hanggang ngayon). ang kyot-kyot ba. kandarapa pa kami nun pag nags-smile sya tas hinuhuli namin sa camera. lahat kami sa pamilya doting! i was especially happy for nanay and tatay dahil finally may apo na silang sarili. love was in the air sa bahay! all because of dico.

ayun. two years ago yun.

ngayon, dambuhala na si dico pero kalbo pa rin. actually, result yun ng pagmamarunong ni ate na sya na lang daw ang gugupit kay dico, uka-uka tuloy ang kinalabasan kaya pinakalbo na lang. marunong nang syang mag-inarte, umiiyak ng walang luha, tas biglang tatawa, parang baliw ba. manang-mana sa tiya. haha. tuwing umaga, sya ang alarm clock ko. pano, nauuna pa syang magising sa aming lahat. minsan, 4am. joskopo. pagdating ko naman from work, kikiss na yun. tas lalab pa, yayakap na may sound na mmmmmmm... sarap.

love is in the air pa rin sa bahay hanggang ngayon... dahil kay dico.

we love you dico. our preciousssssss.....


Wednesday, June 02, 2004

sore bum

chie and i started our badminton regimen 7-8pm last night and now my pwet's masaket.

pero grabe, super enjoy. kami ata ang pinaka-maingay na players dun kagabi. pano naman, super ang aming mga da moves sa badminton court. hiyaaa! sabay laglag ng shuttlecock two inches from the racket.

nung una, para kaming tanga. as in. every five minutes ata nagbe-break kami for tubig. tas tingin kami ng tingin sa relo. feeling namin sobrang pagod na kami eh ni hindi pa kami nakaka-15 minutes! gashes.

chie: time does not fly when you're playing badminton!

after three water breaks, we finally got the feel of the sport and the court. so nung mga 730, excited na kami ni chie. i'm sure naramdaman nya ring biglang bumilis ang oras nun. game na!!!

todo na yung game namin. matagal na yung birdie sa ere. serious na kami. medyo lumalabas na yung mga strong and weak points ng bawat isa. err, feeling ko lang, hehe. super sinulit namin yung last five minutes.

ayun. after our first attempt at badminton, chie and i decided na it was a good decision on our part to take up the sport (naks, unang laro pa lang yun ha!)


Tuesday, June 01, 2004

artists online!

http://askalart.blogspot.com


ayus.