Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Monday, May 31, 2004

my name stands for...

DDelicate
IIrresistible
NNerdy
AAmbivalent
HHardworking

Name / Username:


Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com

got this somewhere. delicate? fotah. irresistible? nyahaha. nerdy? naman. ambivalent? ano daw? hardworking? mwahahahahaha!

sige na nga.

Saturday, May 29, 2004

kailangan na talagang mag-exercise!

chie and i bought badminton rackets yesterday. layabelles the badmintoner was with us to give his expert advise on what to buy. tangina, ang mamahal pala. i was thinking of having the one at home gut-ted na lang, prince pa naman yun (actually kay daisy yun, my sis) kaso dami ng gasgas, baka malaos porma ko.

yung unang nakita ko, prince. sabi ko kina chie: uy mura lang! P375 lang! when they checked to see, tiningnan ko ulet yung price, pucha, naduling pala ko, kulang ng zero sa dulo. oh shet. nebermind.

after three stores and almost 30 mins, nakabili na rin kami ni chie. isang set ng raketa, P420, tig P210 kami bale. she even gave me the jacket, ibabalot na lang daw nya sa plastic ng national bookstore yung raketa nya pag may game kami, hehe. bait nya no?

so hopefully we can start playing next week. and hopefully lose SOME weight before my big day. sheeesh.

Thursday, May 27, 2004

bagong tambayan!

isang masigabong palakpakan para sa ating bagong tambayan! welcome, ALTERTROPA!!! nawa'y silungan mo ang sangkaterbang bagong adbentyurs at misadbentyurs ng mga taong may alteregos. di pa po sya furnished but we're getting there. in fact we are asking for donations of the following items:

1. digicam - kailangan po namin ng official camera para sa mga official gimiks
2. free ISP - pano po kami makakarating sa aming tambayan kung wala kaming wheels?
3. pc/lafftaff - ahhh, eh, wala lang, mas masaya kung bago yoyo di ba? bagong tambayan, bagong yoyo. duh.
4. asteeg na admin - check *palakpakan para kay chiekeeboi*
5. asteeg na members - check. *palakpakan para sa kin* hehehe.

kung interesado ka at nais mong maging katropa, eh di okay. maganda yan. pagpatuloy mo!


oh, how time flies!

not 10 blogs ago, i talked about the next day being the month of may already, at isang buwan na lang june na, meaning malapit nang umuwi si dennis. kanina, while i was scheduling and interview date with an applicant, i was surprised to learn na june na pala next week! at ilang araw na lang, uuwi na si dennis! my, my, how time flies...

eebils, are you counting the days till you can tell on your nanay? haha.

Tuesday, May 25, 2004

palakpakans at pasasalamats

andito ko sa las pinas. tinext kasi ako ni odet, umuwi daw ako dito at may ibibigay sina mama digs. so, eto, pagkagaling sa isang kasuklam-suklam na sangay ng pamahalaan, dito ko dumeretso...

kaya sige na nga, andito na rin lang, may pongkyuter at net, kaya blogs na!

palakpakan no. 1

congratulations sayo kim, my bro! he just got accepted to the academy of art university in san fransisco (ayan, kim!) sa america! asteeeg!!! he will be taking up interior architecture, four years yun pero five years daw yung allocation sa kanya... and may i add that it is a FULL SCHOLARSHIP grant po! asteeeeg!!!!.... ah, this is it, kim! matutupad na rin sa wakas ang yong pangarap na maging arkitekto!!!! imshoproudofyah! *palakpakan*

palakpakan no. 2

sa 4th anniversary ng museo pambata club! sa pangangalaga ni mp club coordinator: ate o! yehey!!! *palakpakan* kahit na nakakabwiset yung isang nanay na hindi naman member yung anak nya at sabit lang talaga sila sa partee. hmp! mukha ba kong hindi marunong mag-operate ng compo? hoy, mam, eto nga o, tingnan mo blog ko, asteeeg di ba? techie to, man! (saka mayabang din po ako noh!)

palakpakan no. 3

sa anino shadow play collective! isang magaling na performance ng kanilang adaptation ng florante at laura na ginanap for two nights sa myra beltran studio. i was priviledged to have been able to catch it! asteeeg! nakakatawa! i mean, yung FNL was really fun to watch! as in. go catch it kung meron pa. :)

yan, feeling puppeteer! nakakatakot hindi po ba? that's actually me, i had my shawl over my head, long haired ang effect, di ba? parang aswang... at si kuya eebil leslie ang aswang slayer, hehehe.

ang galing ng anino! saludo ako sa inyo! *palakpakan*

--------

eto pa ang ilang mga pics...courtesy of our eebil techsupport, hehe.

trying out for aninoer. ang ganda ng puppets na ginamit nila! hehe, syempre palakpakan din sa head designer! naks!!! that's me manipulating the kenkoy character used in the play. mala-gollum tong character na to kaya nakakaaliw sya!...nga pala, layabelles, welkam sa blogging world! hehhe, musta na ba ang iyong lungga? mag tag ka naman sa kin o kaya mag comment ka paminsan-minsan. kakainis ka naman eh. sheesh.

while waiting for our order sa mr. kabab. looking at pics taken during and after FNL sa fonecam ni ode. syempre excited si chie dun sa isang shot dun... peace, little eebil sis! hehe, kaya lang busted ata ir port ni ode kaya di namin ma-transfer yung pics. awwww...


sa tambayang makiling after mr. kabab. sus, deads na talaga ko pero syempre go pa rin ang lola nyo sa after performance party. composed of me, chie, des, tich, ode, carla, les, marc, don, laya and alwin. dami namin no? salamat don sa free beers and chicha. salamat pala kuya eebil sa iyong pagtimpla ng kape. next time ulet ha! uy, viks, next time ha!


yan, the daay after. sa feenk fad. wasted pero hindi. pano paggising namin mga 9am, kwentuhan galore pa. pati si eddie vedder napagkwentuhan namin. look at the song on chie's blogs. sus. double meaning yun, at hindi ko sasabihin sa inyo kung baket. wushu.

---------

salamats

sa museo pambata. sa anino. sa tambayang makiling. kina chie, des, tich, ode, carla, leslie, marc, don, laya at alwin. kahit na iskeri to the nth power yung bagyong nag-good night sa tin, good night pa rin talaga :D

saka sa aking mga inlaws, papa ben at mama digs. sa isang jaw-dropping gift. thank you po. tokisless ako.

Thursday, May 20, 2004

MILESTONES

"Great news! Result of tumor marker: normal level. God s good! We just hav 2 maintain it for 5 yrs."

Sender:
vikki
+639171234567

Sent:
20-May-2004
11:50:37

yan ang text ni vikki sa kin this morning. and what a great news it really is! it was last friday when we last talked, sabi nya, di pa nga daw sya nagpapa-test ulet and i was scolding her. she promised me she'll have her lab tests nitong first week of june. and then she sent me this text message this morning. God is really good!!!

nakilala ko si vikki when i got involved with museo pambata's project: breaking barriers, isang peace workshop for teachers and students, conducted in nine cities, across the philippines. this was last 2001. even if the project has long ended, vikki and i never lost touch. minsan we would go out, watch concerts (musiko mundo), mayrics, ganun. we would call each other every once in a while to make chika, mag-unload or mag iyakan. kahit sandali pa lang kami magkakilala, vikki and i have become friends, really good friends.

last year, just a few months after her mom died of cancer, vikki was diagnosed of having the same illness. bago pa na-confirm na CA nga yun, she had a complete hysterectomy, an operation where a woman's reproductive system is removed, thus making it impossible for her to bear children. during the operation, all i could pray for was that even if she has tumors all over her repro, sana hindi cancer. but the results came and it was.

vikki refused to undergo the 'normal' treatments: chemo, cobalt, etc. she chose to take homeopathic medicine, alternative. mahal din tong ganitong klaseng gamutan, imported kasi saka natural. many of her relatives were against it, pero she sticked to her decision. katwiran nya, kung anuman mangyari sa kanya, walang ibang responsible kundi sarili nya. a few months into homeopathy, her cancer level dropped. tapos nga, yang text nya this morning.

vikki will be my date to anino's florante at laura shadow play on saturday. it's been a while since i last saw her and i'm really excited to see her again, give her a hug and kiss her cheek. i've missed you viks. see you saturday!

--------

isa pang milestone ang nakalimutan kong i-blog on its actual day. last may 17 was the 30th bday of one of my bestfriends, may sta. maria-abello. little ang tawag namin sa kanya, sya kasi ang smallest sa barkadahan namin. hihi. high school classmate ko sha. ayan, so alam nyo na ang edad ko. :) little is married now, kakatawa nga kasi magkahawig ang aming married names, abello sya, abille naman ako. she's in new zealand now at namamayagpag pa rin sa kanyang marketing career na sinumulan nya dito.

sorry, tle, late ang blogging ng lola mo. pero i didn't forget. did you get the card? i love you, tle. i miss you and rose and lhey and mye and tetet and shella. sana magkasama-sama tayo ulet. soon... sana sa church wedding ko. :)

--------

nasa milestones na rin lang eh itutuloy ko na to... congratulations to the newly(church)weds, MARICEL and MELCHOR!!!! happiness, love, good health, great kids, God's blessing to you forever and ever, amen! i was tumbling during the mass as i was the commentator, para tuloy akong di katoliko at di nagsisimba, heheh. pero na touch ako talaga as i was watching you two exchange vows, and papa melchy trying with all his love to say his parts in english, awww...

congratulations!

got the pics from chie. syempre kelangan ipost ang mga magugulo sa kasal, hehehe. so pretty-ful namin di po ba? that's olive and tich sa likod, chie, des and moi.






Monday, May 17, 2004

MOSHI-MOSHI 2

last installment to ng aking weekend special. highest point to. i have yet to post another week blast. yuh, bois, whole week.

dennis called me last mother's day. syempre hindi ako babatiin nya, lokah. eebil nanay/mom ako pero hindi pa ko nanay. ask my eebil kids.

kakatawa. two moshi-moshis ago, all we could say to each other was ilove you, ingat and miss you. lost kami for words ba. this time, muntik na namin makalimutan sabihin yun dahil sa dami naming pinagkwentuhan. kundi pa nya sinabing: den, lapit na time! saka lang kami nagsigawan ng aaaargh!!! ioveyou,den!!! miss you!!! ingat!!!

igz, i'm grinning like a chesire cat, naaalala ko yung phone call. :D

it was great to hear how much fun he's having in japan. may mga na-meet daw silang filipinos dun, on training din like them. they weren't surprised to find out they also work in subic here. i think kakilala pa nga nila talaga yung iba. at least nabawasan ang homesickness ni fafa den. syempre, masaya rin ako to hear na sobrang excited na sya umuwi, miss na nya ang lola nyo. he is akchuli marking the days down sa calendars till it's june 10, his flight back.

he was hinting me on some stuff he got for me, ayaw nya sabihin. surprise daw. akchuli, when i asked him what his pasalubong for me is, sabi nya sya daw ang pasalubong nya. everybody now: awwwww...

uh, den? what about the jack purcell? joke.

joskopolord, thanks for giving dennis (and me) this opportunity. sobrang thank you talaga. and thanks for taking care of him there in japan, and of me here. and of us.

Friday, May 14, 2004

ARTIST NA SI OG!

did i tell you i had a wonderful weekend? yep, think i did (rollercoaster friday). isa sa mga dahilan kung bakit astig ang weekend na yun eh dahil sa nakahawak na naman ako ng pintura.

SATURDAY

i "assisted" teacher hubert sa art class nya sa museo. quote/unquote kasi di nman official yung pagiging assistant ko sa kanya, nakigulo lang ako akchuli.

si hubert ay isa sa mga pinaka okay na artists na nakilala ko. i got to work with him on an outreach activity sa isang orphanage where we did a mural on one of the kids' rooms. mabait si hubert, nakakaaliw kasama, masaya ang sense of humor. that saturday, when we were cleaning up after his students, we played around with the sobra-sobrang acrylic paints na hindi naubos ng mga kids nya. akchuli, alam kong ako ang tinutukoy nya when he said: andami talagang sayang na blue. hihihi, ako po ang nag-distribute ng kulay na yun eh! it was fun doing art again. medyo matagal na rin akong di nakaka-draw/paint. last was when i was fooling around with textile paints and katsa, a year ago na ata. i wanted to give handpainted bags sana to friends for xmas kaso, well, tinamad ang lola mo.

i was able to do two abstract arts. syempre abstract! hahaha! tas yung isa "collaborative art" namin ni hubert, naks! sabi ni hubert, oks naman daw sa paningin yung artwork ko, kahit laro lang naman talaga yun. pero syempre nung narinig kong sinabi nya yun eh tumalon-talon ang puso ko. frustrated visual artist kasi ako, at hindi makalimutan ni hubert when i told him: member ako ng skp, ikaw ang ink lang! hihihi!

papa-frame ko yun. itatabi ko dun sa isang cartoon work ko na binigay ko kay dennis nung first xmas namin. naks, lapit na ko mag one-woman exhibit, hehehe!

ROLLERCOASTER FRIDAY: REWRITTEN

it's up! it's up!

Wednesday, May 12, 2004

KINUKULAM ANG BLOGS KO

wicca, witchcraft, kulam, barang, hocus pocus. shet. kinikulamn ang blogs ko.

yung ROLLERCOASTER FRIDAY ko, pagkakahaba-haba at pagkatagaltagal kong ginawa, pilit inalala ang mga detalye ng mga pangyayari, ayun, kahapon nakita ko, for some weird reason, naputol sya. putol. bitin. cut. spliced. chop-chop.

shet. kulam to.

sabi ni dreamboiastig KARMA daw kasi ang eebil ko. awww man. this is what you get for not saving your blogs, dinah, you eebil you! awwww, moi, eebil moi.

sige na nga. try ko ulit isulat.

Tuesday, May 11, 2004

SENTING BOTANTE

bumoto ko kahapon.

dapat di ako boboto. feeling ko waste of time lang at magkakadayaan lang din naman. akchuli, pinananalangin ko yan kahapon, sana dayain na ni gloria dahil leading daw si poe, huaaa!!!

dun sa aking alma mater ang presinto ko. F. Ma. Guerrero Elem. School - sa Pedro Gil, Paco, Manila. kakatawa nga eh. tinawagan ko pa si chie para sabihing nagsesenti ako habang pakyat sa mga gusaling inakyat-panaog ko ng anim na taon. gashes. pero proud ako of my elementary school. sa dami ng napuntahan kong public elementary schools habang lumalaban ako sa mga story-telling contests at pagkumpas sa fhp hymn nung grade 3-6 eh masasabi kong isa sa pinaka-maganda ang aming iskul. library pa lang, panalo na! ask noreen, she's seen my oldskool.

so yun. bumoto nga ko. iba talaga yung pakiramdam pag nag-e-exercise ka ng iyong karapatan. feeling patriotic talaga ko kahapon.

mabuhay ang mga ating mga bayaning guro!

lecheng comelec yan, tinipid yung indelible ink.

joskopolord, wag naman po si poe.


Sunday, May 09, 2004

ROLLERCOASTER FRIDAY

i had a very special weekend. nagsimula ng friday hanggang sa mga oras na ito, it's 1039pm according to the computer clock. astig yung weekend ko. partida, may sakit pa ko nyan.

share ko lang ha. friday muna. medyo mahaba to, may time ka ba?

FRIDAY, May 8

MORNING

hinatid namin si daisy sa airport at 4am, sya ang aking youngest sis. i was very sad to see her go, sandali lang kasi namin sya nakasama during her break because she went to spend her vacation in malaysia. at the same time, happy rin ako dahil she didn't have to wait for long para mag sign on sa bagong vessel, di kagaya nung huling uwi nya. it was during the sars outbreak kaya nag cancel ng ilang barko yung company, she had to wait three months bago sya nakapagtrabaho ulit. my sister works as a croupier (card dealer sa casino) aboard cruise ships na byaheng asia. taiwan-japan ang route ng barko nya ngayon...

another reason why i feel sad about her leaving is the fact that she won't be here on the day of my church wedding. sya dapat ang maid of honor ko. naiiyak na naman ako, i miss my sister. before she left, i asked her kung sino ang gusto nyang ipalit ko sa kanya. she said she wants ate des, our eldest, matron of honor na lang daw. kaso naman, medyo may kasiksikan din ang ate ng lola nyo kaya ayaw magsuot ng gown. hay. ga, miss na kita...


AFTERNOON

i went to sm to buy gifts for nanay, ate and mom in law, for mother's day. i bought them hand painted wooden fans. ang ganda ng tunog when you open it, parang pang-donya, hehehe. after sm, nagpunta ako sa museo, may lakad kasi kami that night. so tambay muna. productive naman ang pagtambay ko, na-oc ako kaka-ayos nung boxes ng mga fans. as in. pati yung inside ng box eh ni-lining-an ko pa ng japanese paper! oc talaga! habang si chie eh antok na antok na jina-judge yung mga short stories (to yung part na kinulam yung blogs ko. rewriting this today, may 14, 2004) nag pitch in na nga rin si tich sa judging eh. kwento ni chie, nung binabasa nya daw sa bahay yung mga entries, she made two piles, one for the good reads and the other for the rejects. after a few reads, napansin nyang nasa isang pile lang lahat ng nabasa nya: sa rejects. hehehe.

EVENING AT TAMBAYANG MAKILING

from museo, we went to tambayang makiling (tm) , isang showroom/tambayan ng mga magagagaling na astists. leslie, friend and altertropa invited us to the soft opeing of a filipino, australia-based artist, alwin reamillo. medyo carinderia daw ang style ng exhibit so there was cooking and eating. so go kami. when we got there, "inasikaso" kami ni leslie, read: ginawa nya kaming chefs. thai food daw ang ipe-prepare nung artist. chie and i volunteered to mince the ginger. ayus na yun, ginger. kesa naman onion, o kaya yung ginawa nila tich na sampaloc paste where rosabelle (artist/anino-er) found something squirming and alive on the tamarind ball. eeeeew... parang di ko ata kakain kung anuman ang lulutuin... medyo matagal yung prep ng food and naturally the bums got hungry, late na yun akchuli for dinner so lumabas muna kami to buy bottled water and chichiria dun sa kalapit na barbikyuhan. maya-maya naki-upo na rin sa min si marc, another artist/friend. sprite ang tinira nya, nakikain na rin ng peanuts and some chips we bought from the store.

pagbalik sa tm, di pa rin ready yung food so tambay muna sa labas. i was hoping i would see the famed C. Zicarelli, isang poging UST stude na nakita nila des at chie sa tm the last time they were there. habang nakatambay kami, enjoy na enjoy naman si leslie sa pang-aasar kay des about CZ, halos lahat ng kotseng dumaan, sumisigaw si leslie ng DES! SI KARELI!!! SI KARELI!!! kulet. di ko sya nakita. sana next time.

finally, natapos din ang food prep. astig din naman yung presentation. dun sa long table, naglagay sila ng dahon ng saging, nilagay nila yung ulam sa gitna at pinalibutan ng kanin na minold sa cups. astig! kinain ko ba yung ulam? yesh. akchuli, masarap sha, lasang escabeche. kakatawa pa nga kasi si marc habang kumakain, nakasampa pa yung isang paa sa silya, feeling magbubukid, dini-discuss pa nya yung mga "ani" habang nagkakamay at kumakain on banana leaves. shtig. performance art daw yung ginawa namin. okies naman, nag-enjoy naman ang lola mo.

MAYRICS

after eating and chikahan with the artist, go na kami sa mayrics. di na nakasama si tich, nekstaym na naman. ako, des, chie and les na lang. cocojam was playing. bday ni papa rolly na vocalist/guitarist ng cocojam na hubby ni mamu. dadalhan sana namin ng cake si papa rol kaso past 10 na namin nilisan ang tm, natural sarado na ang mga bakeshops nun. so, nagbayad na lang kami ng entrance, hihi. para naman may budget ang papa rol on his bday.

first set pa lang ng cocojam tumatambling na kami ni chie! hehe! kinanta nila yung can't buy me love ng bitols reggae version, which pinarinig ko sa cellfone sa inggit na inggit na si odet! ang saya! ang galing-galing ni papa rol to the nth power! astig ang cocojam forever! bong of tropdep played bass for them that night. astig talaga. there were two other bands na tumugtog and in fairness, astig din naman sila. quite young pero swabe na rin ang tunog (crush ko nga yung isang vocalist eh, heheh! ahlabshu fafaden! muah!)

enjoy talaga yung soundtrip! halos lahat ata ng mga kantang winish namin na tugtugin eh narinig namin. syempre ang all time fave kong lakambini from cocojam was played (isang sigaw lang ng "lakambini!!!" eh tinugtog agad! lakas namin no!), pano naman sigaw din kami ng sigaw ng: happy birthday papa rol!!! hehe, fans club! tinugtog din nila ang is this love to which i shouted myself hoarse para lang makasabay sa pagkanta (wala na talaga kong boses to begin with, umaga pa lang), chie was happy to hear lovesong (311/the cure) and des was bawled over with hearing some sting songs. astig talaga! i was missing dennis so much pero dahil sa sobrang saya ko with all the great music and with the people i was with, missing him was quite bearable that night. :)i drank, yes, but i didn't get drunk. pramis.

to top it all off, leslie pulled something out of his bag just when we were getting up from our seats, ready to go. he gave me, des and chie copies of the santi bose exhibit book! astig!!! he was the designer for this exhibit, remember? sabi nya, for friends lang daw and those who acknowledged the exhibit! (buti na lang nagba-blogs ako! tenchu, blogger!!!) sa sobrang tuwa ko with his unexpected gift, at sa medyo kalasingan ko na rin siguro eh na-hug ko si leslie. eyngz, baka sabihin ni boi astig ang mushy ni og. eeeww.

around 2am na nung naghiwa-hiwalay kami. sa feenk fad kami tumuloy ni des at chie. sa sobrang deads ko, two minutes lang ata i was dressed and asleep na! pero i know i heard chie pa when she said tutbwas daw muna sha. di ko na rin namalayan nung nagtext si leslie saying he was home na. i was sooo high and deads.

so, ayun, there goes my rollercoaster friday. rollercoaster ang emotions. i still feel sad when i think of my sister not going to be here for my wedding. nakakaiyak talaga. palagay ko, matagal pa bago mawala yun. i miss you, ga.

pasasalamats

chie: di mo naman ako masyadong pinilit pero you were the one who said: sumama ka na (sa mayrics)! thanks, chie! dami ko sana na-miss if i didn't go with you no? saka sa mga pics na nakapost. salamat, salamat!

des: bumnetwork. kung di dahil sayo, di ko naman makilala tong mga astig na artists na to. thanks, des! saka sa feenk fad, kundi dun, di talaga ko sasama. salamat, salamat!

les: sa pagimbita sa min sa tm at sa iyong regalong wala sa okasyon! thanks, les! saka sa pagkuha ng astig kong blog pic! hehe! astig! salamat, salamat!

tich: neks taym ka na naman ha! puro ka na lang neks taym! hmp! sana naman sumama ka na talaga next time (as of this rewriting, di na naman sya sumama sa sidebar last wednesday at sa pahiyas tomorrow)

ode: kailangan makarating ka na sa mayrics! mahal ang tawag sa cellfone eh, hehe! thanks sa ibang pics na nasa post na to! salamat, salamat!

at sa iyo, oo ikaw nga. salamat sa pagdalaw. daan ka ulit ha! dala kang beer! :D









Wednesday, May 05, 2004

CHIE'S EX

ex-bestfriend that is. chie's ex, her past, is my present. yoko sanang tanggapin na di na hi-hello na lang sila ni chie ngayon at ako na ang ka-rubbing elbows ng ex nya pero wala naman ako choice. nahihiya nga ko kasi alam ko kung gano sila ka-close dati eh. naaalala ko pa nga dati na magkatabi pa silang matulog... shet.

pano to? kahapon ko lang ulit nare-discover ko gano ko sya kailangan sa buhay ko. lalo pa ngayon, hindi ako makatulog kung wala sya. i'm so dependent and addicted na nga eh. help! help me!

teka, refill lang ako tishu. i feel a sneeze coming!

nga pala, eto yung ex ni chie:

Monday, May 03, 2004

BEAUTIFUL PEOPLE MAKE BEAUTIFUL MUSIC TOGETHER

napaka-swerte ko. i hear beautiful music when i need to. i've been missing dennis like crazy and it's really not bringing out the best of me in any aspect. nakakawindang. i don't do well at work (di lang naman puro blogs iniintindi ko sa opis noh! nagtatrabaho din po ako!), madali akong mairita, tumataas ang boses ko with the slightest provocation, nawa-war freak ako.

last thursday, after ng praktis namin sa sidebar (read all about it here and here) tumuloy kami sa feenk fad ni des. ang linis-linis ng feenk fad! (tenchu des!) ang sarap humilata sa sahig kahit walang kutson. naguwian na ang iba naming kasama, ang natira: ako, si chie, si odet, si leslie at ang hostess na si des na deads agad sa kama nya, wa sya care kahit andun kaming lahat at pinagmamasdan ang kanyang natutulog na mala-coca-colang badee...uh, basta bote ng coke, hehehe.

i was feeling sober pero really-really depressed. missing dennis, and all, i just had to sing.

kinuha ko yung songhits ni des, binigay ko yung gitara kay odet. i am so ready for an all-night till morning concert. nagsimula na kaming kumanta, sa tulong ng songhits ni des na puro songs from the 70s. naalala ko na naman si dennis. may ganyan din syang songhits, peborit nga nya yun eh. tumipa si odet, kumanta ako, si chie, si leslie. si des tulog.

yung mga una naming hirit, medyo kahiyaan pa ng konti. pers taym kasi namin naka-jam si leslie. after a few songs, medyo na-relax na kami at bumirit na rin. sabi ni chie sa blogs nya, operatic daw ang second voice ko. hehehe. ang ganda nung jamming namin. as in. odet's fingers flew like magic on the guitar frets, tapos me, chie, and leslie sang like there was no one else in the room. nakakatawa, nirerelate namin yung mga lovesongs kay chie. lahat. at heartfelt ang aming rendition ha. si des, tulog.

ewan ko ba. kung kelan miss na miss ko si dennis, saka naman me ganitong pagkakataon na kinakanta ko yung mga songs na peborit nya. ito dapat yung mga pagkakataon na maiiyak ako, susubsob sa kama ala pelikulang pilipino circa dekada 50, mapapakagat sa likod ng palad at hahagulgol. pero hindi, nung naubos na namin yung buong songhits, i felt so light. di dahil bangag na ko sa antok kundi dahil alam kong i just had a wonderful time doing what i loved most, singing. lalo kong na-miss si dennis, pero hindi na ko depressed.


i'm sure God made it happen. He knew hearing and singing our songs would make me miss dennis more. pero ang galing, the way God makes you miss people you love without being melancholic (aww, that word ageyn!) that night till the following morning, i heard and sang such beautiful music. from and with such beautiful people. napaka-swerte ko.

salamat sa inyow. :)