Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Wednesday, October 27, 2004

yehey!!!

happy trip sa aking mga keeds: chie, des and les. as of this writing eh kalalapag lang ng kanilang eroplano sa bacolod. at kakatext lang sa kin ni chie, isinisisi nya sa aking "pag-aasawa ng maaga" ang aking hindi pagkasama sa kanila. helleeeeer!!!!!

happy trip guys! don't forget the pasalubong! yehey!!!!

oooOOOooo

sancho is okay na!!! yehey!!! his operation went well, without a scar in sight. magic. ang alam ko kasi sa hirschsprung, series of operation yun. at katakot-takot na malalaking peklat sa tyan ang aabutin mo. yung kay sancho, magic ata ang ginamit! sabi ni vikki, the doctors pulled out his (teka, kung nakain ka, quit reading now! o, don't say i didn't warn you ha!) intestines through his anus. then they clipped the non-functioning part tas sewed the two ends together tas pushed them back in. galing.

so now sancho can poopoo normally! yehey! thank god. and thanks for all your prayers.

oooOOOooo

all saints day and all souls day is just around the corner. anong plano nyo?

fafaden and i were supposed to go beaching and honeymooning this weekend. sa balay sa laiya in batangas. vikki was the one who told me about this place and joselito, vikki's cousin had a reservation that he wasn't gonna use but was just holding on to, in case his friends want to go there for the long weekend. timing naman na interested kami so binigay nya sa min yung reservation nya. sabi ni vikki, super okay daw dun, relaxation to da max. kasooo...

meron kaming hinihintay dito sa opis that could possibly happen THAT weekend. and since walang final date ang event na yun, pare-pareho kaming hanging. bitin. tinginingining buhay to. so cancelled ang honeymoon. bummer. ultra bummer.

pero di bale, mararating ko rin ang laiya... malay mo, next next weekend, hehehe.

oooOOOooo

night shift si fafaden ngayon. ayus din kasi three nights syang nasa bahay nung weekend. ibig sabihin....mas matagal kaming magkasama, hehehe. hay kakamissssss!!!

sya, wala na kong masabi! happy weekend! prayers for all our loved ones na nauna na sa tin...



Thursday, October 21, 2004

Chanced upon this link on another link's post.

oooooOOOOOooooo

Description of Your First Name of: D I N A H

Even though the name Dinah creates the urge to be artistically creative and original, we emphasize that it causes an emotional intensity that is hard to control. This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses in the nervous system, and tension or accidents to the head.

The name Dinah creates a dual nature in that you can be very generous and understanding, but you can also be so candid in your expression that you create misunderstanding. You struggle with the requirement to soften your expression with tact and diplomacy and to consider the feelings of others. Difficulty in accepting advice or admitting that you may have made a mistake causes you to appear to be stubborn and set in your ways. Thus, you have too often created the wrong impression, and friendships have suffered.

oooooOOOOOooooo

THOSE WHO REALLY KNOW ME WOULD KNOW THAT THE ABOVE IS VERY TRUE.

Thursday, October 14, 2004

bahay namin maliit lamang...

welcome to our humble abode! welcome to the green fad!

heto po ang peetyurs ng aming munting tahanan. ang bahay namin ay mayroong 180 degree view kahit san ka nakapwesto. in short, san ka man nakatayo, kita mo ang lahat ng sulok ng aming bahay-bahayan.




pagpasok mo ng pinto, sofa agad, tas to your right is our bed. kala mo four-poster no? division lang yan, kurtina from baclaran.


here is our first purchase, ang aming munting sofa. ayaw kasi ni fafaden ng sofabed, kako sana para sa mga nais bumisita at makitulog naming mga kamag-anak at kaibigan. sabi nya, bring your own mattress daw kung gusto nila. on the table: itlog na maalat with kamatis at ang aking obra: ampalaya con carne.


whatchecookin, mom? ang aming kusi-kusinaan. dedma na ang mga nakasabit sa likod ng pinto, hehe.


our spacious windowsill. patungan ng aming mga anik-aniks. peetyurs, books, artwork gift ko kay fafaden nung first christmas namin, poon from antipolo from tita linda, calendar, etc.


well, there you have it. your four-picture tour of the house! sana di kayo napagod sa kakaikot. ayuz! fish!

oooooOOOOOooooo
PALAKPAKANS
para kina chienovela at purporgurl sa isang malufet na exhibit kagabi sa museo. kelan natin iiinom yan??? *palakpakan*

para kay eebilboiasteeg sa dalawang malufet na murals na kasama sa exhibit kagabi. wisikan mo naman kami ng kaunting kagalingan dyan! *palakpakan*

para sa isang bagong uncle! yehey! hello, tito jerome!!! *palakpakan*
oooooOOOOOooooo
PRAYERS
for sancho, vikki's one-year-old nephew who is due to go under the knife on saturday (dapat last tuesday pero napostponed) due to hirschsprung's disease. please, please include him in your prayers. please also pray for strength para kay issa, sancho's mom, and the whole estrellado family.

tengkyu.


Wednesday, October 13, 2004

pana-panahon

kanina paggising ko. sinubukan kong mag-yoga. ginaya ko yung sa commercial ng isang gatas. ayan, sakit ng likod ko ngayon. tsk.

kanina sa news. andaming accident sa kalsada. sa coastal road, isang mitsubishi adventure ang nag-turn turtle. eh dun ang daan ko. buti na lang naalis na nila yung wreck kaya wala ng traffic pagdaan ko. i heard di naman deads yung driver, pero ubber hurt. i'm sure.

kaninang text #1. mam is back!!! welkam back, tita/ninang/mam agnes!

kaninang text #2. miss na daw ako ni fafaden. eh, mas miss ko kaya sya...

kanina sa bus. hindi dumaan sa bus lane sa baclaran yung bus na sinakyan ko. eh andaming pasaherong bababa. ayun, nag-init ang ulo ng mga tao. may sumigaw, may nagmura, may kumatok sa bubong ng bus. at may sumigaw pa ng: "anong petsa na! late na ko sa finals namin!" tsk. kung umalis ka ng alas singko sa bahay, malamang nauna ka pa teacher mo.

kanina sa chienovela. na-shock ako sa isang post nya. gashes, chie, anong nangyari???? umatake na naman ba ang mga lolang makulit? tsk, tsk!

kanina sa friendster. may isang friend na naghihimutok. feeling ko nag-break sila ng jowa nya pero hindi ko sure. nasa dubai kasi si friendship at ang jowa ay andito sa pinas. hmp, kryz. sino ba kasi may sabing madali ang long distance relationships ha?

ngayon. eto, balik sa trabaho.

mamayang 6pm. opening ng exhibit sa museo. kitakits ang mga altertropa. kuya eebil painted two murals for that exhibit. naks, that's something to look forward to.

mamayang gabi pag-uwi. dun sa bahay/room matutulog si paperbackwritah.

ayus.


oooooOOOOOooooo


OKTOBERFEST. huli man daw at magaling, huli pa rin... pero middle of October pa lang naman kaya here's to Happy OCTOBER birthdays!!!!

Bentot, Tetet, Lhey, JM, Shiziel, Bess, Amey at sakaaaaa..... ooops, nakalimutan ko ata... to be continued. :D






Wednesday, October 06, 2004

bagong guro, at saka...


congrats, tich! teacher ka na talaga! for passing the teacher's licensure exam, saludo kami sayo. anlufet mo pala, tich. mukhang taob talaga sayo si madam auring. harharhar.

here's to many, many (more) years of imparting knowledge, good values and experience to people, in or out of the school. *palakpakan*

oooooOOOOOooooo


off topic, nakita ko lang somewhere...

Spiritual enlightenment, inner illumination, hidden power. Link between seen and unseen. Balance of positive and negative forces. Receptivity. Unseen guidance. A young woman sits on a throne holding a scroll labeled "Tora" meaning "law." On her breast is the sign of the meeting of heaven and earth, the Maltese cross. Her crown is the full orb supported by horns, the crown ofthe Mother Goddess Isis, who rules all things changeable, shown by the moon at her feet. Her power, upon which her throne rests, derives from the creative principle of duality, shown by the two pillars of light and darkness. To those who know and love her she dispenses the sweet fruit of the world itself, symbolized by the pomegranites.


ayuz.





Monday, October 04, 2004

bagong tahanan

kahapon, araw ng linggo, lumipat kami ni dennis sa aming bagong tahanan.

God bless our home.