Lilypie 1st Birthday PicLilypie 1st Birthday Ticker

Friday, November 26, 2004

music, magic and market at museo pambata

from chie's post...

MUSIC, MAGIC & MARKET AT MUSEO PAMBATA

WHAAAAT:
The country's premier interactive museum for children celebrates Christmas and its anniversary in this special 2-night event. Visitors will get the rare opportunity to visit the museum after dark, a first in the museum's 11-year history. Fun and exciting magic shows, shadow plays, celebrity storytelling sessions, musical performances and other family activities will be held all over the museum. There will also be aChristmas bazaar in the museum grounds. On the second night, a live musical concert will close the event with some of the country's best bands as performers.

WHEN:
3 & 4 December 2004 / Saturday & Sunday / 6 P.M.-10 P.M.

WHERE:
Museo Pambata, Roxas Boulevard corner South Drive, Manila

WHO:
Performances from Anino Shadow Play Collective, Blue Jean Junkies,Cocojam, Roence Santos of Joint Project, Magicians Foundation of the Philippines, Newspaper Taxis, Sando and many more.

CONTACT PERSONS/INFORMATION:
Des Lleno
Programs Director

Maricel Montero
Advocacy Program Coordinator

Chie Sales
PR Director
chiesales@lycos.com

during ofc hours: 5231797 or 98
email pr-prog@museopambata.org;
or message Chie/Des/Museo Pambata's account at Friendster (email: mpfi@lycos.com)

* We welcome volunteers to help us with the program, tours, photo/video documentation, bazaar etc. Call us! More details (other performers and such) to follow. Please please pass. SALAMAT! *

ayus! kitakits!!!




Wednesday, November 24, 2004

are you responsible?


fafaden is.

lalo na sa trabaho.

and i'm really proud of him for that.

kaya lang sana minsan, hindi sya masyadong responsible.

so he can come home to me escpecially now that i am sick.






den...





sana wag ka ng mag-OT sa friday.





sana umuwi ka na agad.





ha?










Monday, November 22, 2004

sick

yup. that's me.

i got sipon last, last weekend which i blamed for sleeping with my head under the open windows. two weeks ago, due to the chismis that someone tried to break into our apartment, i had to sleep with the windows closed, even with the danger of suffocating overnight dahil we only have one set of windows at home. so when fafaden came home two weekends back, it was a welcome relief to finally sleep with even at least one window leaf open... only to get sipon the next day.

kainis. tis really the season for sipon and ubo.

now, just last weekend, my sipon escalated to an ubo plus. just when i was getting better without taking any meds for the sipon. i went to divisoria last rainy saturday with tich. it was only drizzling when we started, and i was praying all the time that the rains won't get heavier. kaso, malas konti. by the time tich and i parted, the drizzle turned into a steady downpour. tsk. tsk. whoever said a payong and a huge plastig bag of goodies from divi can keep you dry was probably dreaming.

so now i have sipon AND ubo. and drinking my share of la mesa dam and all the vit c rich fruit juices because i can't just take any meds because i might be....but i'm not sure yet and it's too soon to tell...

oh well.

tis the season to be jolly. falalala...lala..lalaachoo!

'scuse me.


Wednesday, November 17, 2004

kaya pala...

alam ko na kung anong meron kahapon.

kaya pala tich didn't reply to my text kasi wala syang load at therefore no show sya sa dinner.

kaya pala chie was nurse to her mom and her ate jen last night, therefore no show din ang byuti nya.

kaya pala leslie's dear tatay had to go home to lucban today at dapat nilang mag-dinner ng buong pamilya at therefore no show din sya.

kaya pala laya had to stay sa opis kasi baka may meeting sila o wala, therefore isa pa syang no show.

kaya pala kami lang ni des ang nag dinner kagabi.

dahil kung present silang lahat...

...hindi ko masesermonan si des!!!

bwahahahaha. aylabyu des!

at masaya talaga ko dahil nagkausap tayo.

finally.


Tuesday, November 16, 2004

bummer

niyaya ko silang magdinner tonight. lahat sila pumayag except ung isang guro, hindi nagreply. inayos kung saan, sabi ko sa bahay na lang para libre. malayo daw ang las pinas, sa paranaque na lang daw. eh di ba malayo din yun? manila na lang daw para malapit. pero san sa manila? walang suggestion. sabi ko: sa malate na lang, dating lugar. okay sabi nila. biglang nagtext ung isa, nakalimutan nyang nurse pala sya ngayon. one down, three to go... ayan na nga, di din pala sure baka may meeting daw mamayang gabi. two down... tinawagan ko yung isa, yung unang nag-approve na sa bahay na lang. sabi ko, ano, dati pa rin or sa iba na lang dahil tatlo na lang tayo? sa dati na lang daw. okay sabi ko. pagkababa ko ng fone, nagtext. patayin ko na lang daw sya pero may dinner pala sila ng tatay nya. natira yung nagsuggest sa paranaque. tinext ko na, tuloy pa ba? welcome ka pa rin sa haus kung gusto mo mag-overnite. di pa nagrereply.

ano bang meron ngayon?



Friday, November 05, 2004

happy birthday, UDAY!!!

hmmmm....hmmm... ispeyshal month for ispeyshal pips itu!

bukod sa aking bunsong kapatid na nagcelebrate ng kanyang bday kahapon. meron pang isang bunsong kapatid na celebrating naman ng kanyang 19th bday sa sabado, linggo, nov. 7. at yan ay walang iba kundi ang bunso ng pamilya ni fafaden, si
ode!

si odyssa, odette, ode, uday... isang rakista! at dahil red ang kanyang peborit color...

ibang-iba ang ode na nakilala ko noon. we didn't exactly hit it off when we first met. syempre, pa-demure kunwari ako dahil syempre bisita, kunwari tahimik, kunwari mahinhin, nyahahaha. never kaming nagchikahan nun ni odette. as in hindi kami close.

feeling ko (lagi naman akong feeling eh) dapat ate nya ko kasi jowa ko (pa lang nun) ang kuya nya. eh kaso that time, meron syang "ate" at ang ate nyang yun eh wife (ex na ngayon) nung isa pa nyang kuya. dahil magkasama sila sa haus, syempre close sila. i remember checking with fafaden first kung nandun sila everytime i visit their house. ayoko silang makita as much as possible. not for anything naman but just because is feel sooooo OP syempre... si odette naman, deadma ever. super wala rin naman effort na chikahin ako. as in hi/hello lang ang drama namin. so sabi ko sa sarili ko, DA HELL, ker ko? shoray!

di ko alam kung kelan kami nagstart maging close ni ode. although i cannot deny the fact that her other bro's separation from his wife, her "ate", was a big factor. i think it was only last year before her 18th bday na naging close talaga kami. that time, nag-feeling party coordinator ako kaya isa ako sa may mga pakana ng kanyang debut. fortunately, success naman ang kanyang party. buti na lang! siguro kung nag-flop, malamang sinumpa nya ko!

si ode ay isang mahusay na musikero. she plays the guitar really good, sa saliw ng kanyang mala-norah jones/jewel na tinig. kahiwig din ng boses nya ang boses ni kitchie nadal (nyahahahaha!) kaboses din nya si jessa zaragosa pag kumakanta sya ng mga carpenters songs pero mahaba ang baba ni jessa. isa syang rakista. yang liit nyang yan? aakalain mo bang bumabanat ng metallica yan? asteeg! yan pa pala ang isa sa mga reasons bat kami magkasundo, pareho kaming jologs!


ode is one great lady. mabait na anak (talaga ha....), mabuting estudyante (lalo na sa art appreciation...) mabuting kaibigan (pina-iyak nya si ellen nung grade three ata sila)... at mabuting kapatid (logic yan eh: kung mabuti ang kuya, mabuti ang kapatid. hehehe). higit sa lahat, mabuting hipag... (naaaaaksssss....)

i'm really grateful that we are friends, other than being sisters-in-law. masaya kasi syang kasama. sa gimmik, sa volunteer work, sa concert, sa sine, sa lahat! lahat ng tropa ko ay tropa na rin nya! at kahit maghapon kaming magtulog sa bahay, there's still this feeling of closeness no words can express. oha!

kainan na! happy birthday, ode!!! labshu!!!



Wednesday, November 03, 2004

HAPPY BIRTHDAY, GA!!!

tomorrow is my youngest sister's birthday. she'll be 26 years old... it will be her third birthday away from home dahil sya ay kasalukuyang naglalayag. yup, my sis works overseas, literally.

at dahil birthday mo, daisy duck, ang entry na ito ay para sa iyo...

born november 4, 1978, ang aking kapatid na bunso, tatlo kami - all girls at ako ang gitna, ay pinanganak ng walang pangalan. ay teka, meron pala, pero generic ang pangalan nya. isa sya sa mga libu-libong pilipinong batang babae na ang inilagay sa birth certificate ay: BABY GIRL. tuloy, yung original nyang birth certificate eh blank yung first name. sabi ni nanay, nung pinanganak daw si daisy, wala pa silang naisip na pangalan ni tatay. (ngayon kasi, bukod sa may ultrasound na, excited pa ang mga parents-to-be sa pangpapangalan ng kanilang mga babies.) daisy (na lang) ang itinawag sa kanya dahil lahat kami letter D ang start ng pangalan (eyngs?). it was only when daisy was high school bound that our parents realized na wala pala talaga syang first name, at baby girl lang ang naka lagay sa kanyang affidavit of birth.

si daisy ang pinakamaputi sa ming tatlo (correction, sya lang ang maputi), sya din ang pinakamatangkad kaya tuloy sya yung "ampon na pinulot sa tae ng kalabaw", hehe. hmmm, mukhang good quality latak sya. dahil sya ang bunso, lumaki syang hindi gaanong nagmamakaawa para makuha ang gusto nya, di kagaya namin na "lumuha man ng bato" eh di pa rin ibibigay ang inginangawa namin. hindi naman sya spoiled. ano naman ang ipang-i-spoil ng mga magulang namin sa kanya eh poor lang kami. pero kahit poor, somehow nagagawan ng paraan ang gusto nya. ewan ko ba, ganyan ata talaga pag bunso.

ngayon, sya pa rin ang maputi at pinakamatangkad. sya na rin ang pinakapayat sa aming tatlo. kainis, AKO ang pinakapayat sa min dati. kung bakit kasi ninais-nais ko pang tumaba, ayan tulooooy... at kung dati, sya ng palaging binibigyan at pinagbibigyan, sya naman ang nagbibigay ngayon. she is now on her third contract with Star Cruises. and eversince she started working abroad, she has been the one who has fully supported our parents financially. bilib nga ako eh, no questions asked, she said she'll pay off our parents debts kahit ano pang mangyari. and she did...and does hanggang ngayon. dami kasi kaming utang eh. tsk.

GA, mahal na mahal kita. napakalaki ng utang na loob ko sayo. alam ko di ko nasasabi to pero among the three of us, ikaw ang pinakamalaking nagagawa sa pag-aalaga sa magulang natin, kahit wala ka sa tabi nila. sana hindi ka magsawa. don't worry, pag ako naman ang nakaluwag, matutulungan na rin kita. pero sa ngayon, ang maio-oofer ko lang eh ang aming munting dampa, kung saan pwede kang mag-stay sa bakasyon mo. basta sagot mo pagkain, tubig at kuryente ng isang buwan, nyehehe. jok lang.

happy birthday, GA. may the good Lord continue showering you with wonderful blessings. i pray, too, that He blesses you with good health palagi, para hindi ka na nagkakasakit. eto gift mo: *kiss* ingat ka dyan palagi ha. labyu.